SA MATAAS NA building ng dinadayong casino sa Bangkok, Thailand ang king’s Fortune Casino & Bar ay nasa entrance nito ang Phantoms at pinagmamasdan ang taas meron ang building. Napasipol si Demon sa laki ng casino na masasabi nilang mas malaki pa sa ibang mga casino na napuntahan nila. “Mukhang mayaman ang Li Jinshi na ‘to para makapagpatayo ng ganitong kalaking casino, pero base sa nakuhang information ni Ringfer kanina, Chinese citizen ang Li Jinshi na ‘yan na lumipat dito sa Bangkok at dito na tumira. Hindi man siya parte ng underground society pero masasabi nating importanteng informant siya ni Valdemor.” Saad ni Demon. “Pumasok na tayo sa loob, I’m sure alam ni Li Jinshi na pupunta tayo sa kaniya, I’m sure inabisuhan na siya ng Valdemor na ‘yun.” Ani ni Paxton na ikinalingon ni Tad

