Paalis na sana siya para iwanan doon si Yael pero parang di niya kayang iwanan si Yael sa ganung kalagayan. Pero nang maalala ang klase niya ay muli siyang tumalikod. "Aalis na muna ako at malilate na ako sa klase ko." Sabi niya dito. "Ingat, let us talk pagbalik mo." Sabi nito dahilan para mapalingon siya dito. "Tungkol saan?" "Tungkol sa atin." Sabi nito, kinabahan siya sa sinabi nitong iyon. Iniisip niya na baka ayaw na nito na bumalik pa siya doon. Siguro ay iniisip na nito na pakawalan na siya dahil malaking pera na ang nagagasta nito sa kanya. "Break na tayo?" Tanong niya, ayaw na niya ng paligoy ligoy na usapan. Kung ayaw na nito e di wag, di naman niya ikamamatay ang kawalan ng lalaki sa buhay niya. "Of course not!" Tila hindik na sagot nito. Hanga siya sa professionalism ng

