Tahimik ang buong hallway ng hospital, pero sa loob ni Jam, ay puno ng guilt matapos na umalis si Lyka at Yael. Hawak niya ang papel ng medical bill at ang resibo na binayaran ni Yael, kulay puti pero sa paningin niya, parang dugo. Parang lahat ng sakit at galit na naipon niya sa buhay ay biglang bumagsak sabay-sabay. Lahat ng frustrations niya at naibuhos niya sa lalaki. She had top much to carry on her shoulder ika nga. Kaya siguro parang napakahirap sa kanya ang lahat. At ang huling taong nasaktan niya? Si Yael. Napaupo siya sa bench sa gilid ng pinto ng ICU, nag iisa. Nanlalamig ang mga daliri niya, pero mas malamig ang pakiramdam sa dibdib. "Anong nagawa ko…?" Hindi niya alam kung ilang oras siyang nandun, nakayuko, nakahawak sa sentido. Paulit-ulit tumatakbo sa isip niya. Ang m

