Masinsinan niyang kinausap ang mommy niya tungkol sa natanggap niyang tawag mula sa doktor. Nalaman niya na pinsan pala ni Bianca ang kanyang stepmother. Matagal na pala siya nitong kilala at gayundin syempre ang mommy niya. Hindi lang matukoy ng mommy niya kung inutusan ba ng stepmother niya si Bianca para ipaligpit siya noong mga panahon na pinalayas siya ng daddy ni Jam. Tanging si Bianca lang ang makakasagot niyon o kaya naman ang kanyang madrasta. "So malamang ay alam na din ng Daddy mo na buhay pa ako." Sabi ng mommy niya. Wala siyang nabakas na anumang takot sa mukha nito. "Malamang po ay ganun na nga, lalo na at kamag-anak pala ng bruha niyang asawa si Bianca." sabi niya na hindi pinapahalata ang takot na kanyang nararamdaman. "Hindi na nila tayo gagalawin anak." Tila sigurad

