Lumabas siya ng room, dahan dahan lang kahit sa loob-loob niya gusto niya tumakbo pabalik sa bed. Parang normal lang na lakad niya kahit na sobrang bilis ng kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Yael looked up from his laptop and then froze after seeing her. As in froze. Like na-paralyze. Medyo nakanganga pa, parang gustong umurong ang dila nito. “B-baby…” napalunok ito, pabalik balik ang tingin nito sa kanyang katawan, pataas then pababa. “What are you wearing?” “Ha? Ah, ito?” She shrugged casually. “Pantulog, binigay to ni Wennie nung nakaraan, ngayon ko lang isinuot, bagay ba?.” tanong niya dito, alam niyang umeepekto ang kanyang ginagawa dito, nakita niya ang pagbangon ng alaga nito lalo at may kalakihan naman iyon. Gusto niyang humagalpak ng tawa, pero pinipigilan lang

