Jam pov Panay ang bangayan nila kahit na nung sinasabi na sa kanila ang room ng lalaki, panay parin kasi ang reklamo nito, naiinis man ay wala naman siyang kontrol dito kaya hinayaan na niya hanggang maktol lang naman ito dahil siya parin naman ang masususod. “Room 304, Mr. Vergarra-” Hindi pa natatapos magsalita ang nurse ay bumukas ang elevator, at doon, lumabas ang isang babaeng naka-designer dress, perlas ang hikaw, at nakataas ang kilay na parang may hinahabol na giyera. Si Bianca Vergarra. Stepmother ni Yael. At mortal niyang bangungot. Alam niyang masama ang ugali ng step mother ni Yael sa kwento na din ni Lyka sa kanya. Matapobre ang babae kahit na mula din naman sa hirap ito. May mga ganun talagang tao na di na tumatapak sa lupa kapag nakahanap na ng pera. “Yael Andrei Ve

