Tulog na ang nobyo sa tabi ay nanatiling gising ang kanyang diwa, parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig niya ang pagsabi nito ng i love you sa kanya. Alam niyang walang wala sa isip ng lalaki ang salitang "I Love you!" Pero parang ang laki kasi nung naging impact ng salitang yon sa kanya. Pinipilit niyang makatulog lalo na at alam naman niyang bawal sa buntis ang magpuyat, alam niyang makakasama sa kanyang ipinagbubuntis ang pagpupuyat. Pilit niyang iwinawaglit ang kanyang alalahanin tungkol sa pa I Love you ng lalaki. Baka lalo lang siyang di makatulog pag paulit ulit niyang hanapan ng sagot ang kanyang tanong kung totoo ba sa loob ng lalaki ang pagsabi nito ng I love you. Maaring nag I love you ito dahil nasa peak ng kasarapan sa piling niya, lalo na at kakatapos lang nila

