Ilang minuto muna ang kanyang ginugol sa loob ng chapel after ng kanilang naging confrontation ng lalaki, alam niyang pinangunahan niya ito. Di niya ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ng side nito. Puro negative yung kanyang mga sinabi, habang nakaharap siya sa altar ay na-realize niya na parang masyado naman niyang minasama. Siguro dahil na rin sa stress na kanyang nararamdaman at sa dami ng mga problemang kinakaharap niya kaya ganun ang kanyang naging reaksyon at mga sinabi dito. Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang balikan ang kanyang mommy, balak niyang makipagkwentuhan dito kahit na wala itong malay. Naaalala niya noong maliit pa siya nasa tuwing nasasaktan siya ay sinasabi niya sa kanyang mommy at nagiging magaan na ang lahat. Tahimik ang buong hallway pag-aky

