Chapter 3: Heated Kiss

1478 Words
Nang makabawi si Sebby sa pagkabigla ay humakbang siya papalapit sa babaeng nanlalaki ang mga mata. "Don't stare like that. You're here to join me in my bed right?" aniya na nakangisi sa babaeng tila ngayon lang nakakita ng hubad na katawan. Noong una ay ayaw niya sa ideyang iyon ng kaibigan pero sa nakikitang babae ngayon ay napapailing siya. Magaling pumili ang kaibigan at maganda ang babaeng nakikita dahilan para uminit ang kaniyang katawan. 'You're here to join me in my bed,’ umaalingawngaw na salita ng lalaki sa kaniyang isipan. Hindi niya namamalayang nasa harap na pala siya nito at huli na nang namalayang sakop na nito ang kaniyang mga labi. 'Aba, hindi lang drug dealer, s*x maniac pa!' inis ng isipan sabay tulak dito. Hindi napaghandaan ni Sebby ang pagtulak ng babae sa kaniya. Buti na lamang at sa kama siya bumalandra. "Babae talaga," aniya sa inis sa ginawa ng babae. Alam naman niyang ginusto rin nito ang pagpunta roon. Kaya muli siyang tumayo ay tinitigan ang babae. Maganda talaga ito ngunit napatigil nang makita ang suot nito.  Hindi iyon suot nang babaeng pupunta roon upang akitin siya o makasama sa kama. Seksi ito sa hubog ng katawan sa suot nitong skinny black pants, maging sa suot nitong long sleeve shirt na turtle neck pa iyon. Mas lalo siyang napaisip kung ito ba ang babaeng pinadala ng kaibigan. Matiim ang titig na inaaral ang hitsura nito nang makitang napalunok ito sabay hakbang papaurong. Napahakbang patalikod ito at tila nasindak sa kaniya. "My friend paid you to be mine tonight, right?” aniya saka muling hinawakan ang babae nito.  Napalunok si Miles. Hindi niya inaasahang may hinihintay pala itong babae at akala nito ay siya ang binayaran ng kaibigan nito upang paligayahin siya. 's**t! Hindi maaari, pero hindi ko pwedeng sabihing hindi ako iyong babae dahil magtataka ito kung bakit ako nasa pamamahay nila,’ hiyaw ng isipan. Nang muli siyang hahalikan nito ay umiwas siya. "Wait!" Pigil dito. "Hin—” putol na wika niya at nakitang tila naiinis na ang lalaki sa kaniya. Muli siyang napalunok.  "Dadagdagan ko ang binayad sa'yo,” ani ni Sebby sa babae. Ngayon pa bang nabubuhay ang p*********i niya tapos binibitin pa siya ng babaeng kasama. Muli ay mapangahas na sinibasib ang labi ng babae. Matamis ang labi nito at malambot. Hindi nakakasawang halikan kaya mas marubdob pa ang ginawad na halik. Halos mapatid ang hininga ni Miles sa halik ng lalaki. Nang ganap na bitawan nito ang labi ay halos mapasinghap siya at nang yayakapin na siya nito at ihihiga sa kama ay agad siyang tumutol. Ramdam niya ang pagwawala ng isang bagay sa ilalim ng tuwalya. 'Diyos ko. Hindi ko alam na madi-devirginize pa ako sa probensiyang ito ng wala sa oras,’ aniya sa isipan. "Wait!" malakas na tutol sa lalaki nang makitang huhubarin na nito ang suot na pants.  Tumayo ito at pumangaywang na tila hari. Napalunok si Miles sa nakikita dahil muli siyang tinitigan nito na tila nagtataka na talaga. "Pwedeng maki-CR muna. Naiihi na kasi ako eh,” aniya upang makaiwas muna at makaisip kung ano ang gagawin. Umiling-iling na lamang si Sebby saka hinayaang gamitin ng babae ang banyo niya. Pagpasok nito sa banyo ay saka naman tumunog ang cellphone niya at nakitang pangalan ng kaibigan ang natawag. Napailing pa siya dahil tiyak na tutuksuin siya nito sa babaeng kasama. "Hello bro—” "Bro sorry hindi raw makakarating si Sheeren. Bigla daw—” putol ding wika niya rito. "Then who the hell is the woman with me right now?” sabad niya habang nakatingin sa pintuhan ng banyo niya. "Ha?! Sino? Pero—” naguguluhang wika ng kaibigan.  “May kasama ka?” gagad pa ni Craig sa kaniya.  “Yes,” aniya. “Maganda at seksi ba?” interesadong tanong nito. Ngunit wala siyang balak sabihin dito kung gaano ito kaganda.  Maging siya man ay palaisipan kung sino ang babaeng nasa banyo niya kung hindi nakarating ang babaeng sinasabi ni Craig. Kaya ba ayaw nitong pahalik sa kaniya pero sino ito. Hindi naman pwedeng makikiihi lang at sa kuwarto pa niya talaga pumasok upang umiihi. "Ah baka nagpadala ng proxy si Sheeren,” usal ni Craig sa kabilang linya.  Nais man niyang isiping ganoon pero iba ang feeling niya. “Okay bro, call you tomorrow,” paalam rito. “Yeah, enjoy,” mapanudyong turan pa nito. Nagpaalam na ang kaibigan pero hindi pa rin nalabas ang babae sa kaniyang banyo. "Nakakainis ka Miles! Ang tanga-tanga mo talaga,” inis niya sa sarili habang nakaupo sa nakatakip na inidoro hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin niya upang matakasan si Sebastian.  Nakita niya ang cabinet kung saan naroroon ang ilang gamit ng lalaki gaya ng perfume at ilang after shave cream. Naghanap siya ng kakaiba roon pero wala siyang makita.  "Miles isip! Isip!" inis niya habang sapo ang ulo nang maya-maya ay nakarinig siya ng katok sa pintuhan.  Nagbilang muna si Sebby bago tumayo at kinatok ang babaeng halos magkakalahating oras na sa loob ng kaniyang banyo. "Lalabas ka ba diyan o diyan ka matutulog?" baritonong tinig ng lalaki. “Oh sh*t!” gilalas niya sa sarili habang paulit-ulit ja naglalakad sa loob ng banyo ng lalaki.  Muling kumatok ito na tila naiinis na. Palakas kasi iyon ng palakas. “Lalabas ka o bubuksan ko ito?” banta na nito.  Nataranta tuloy si Miles. Tila ayaw din gumana ang utak upang mag-isip nang muli itong kumatok. "Oo na! Palabas na!” aniya saka sinabunutan ang sarili. 'Miles kaya mo ito. Palaban ka di ba?' aniya sa isipan saka tumayo at binuksan ang pintuhan. Nakitang nakabihis na ang lalaki. Mukhang humupa na ang init ng katawan nito. Nakatingin ito ng matiim sa kaniya. Parang hindi tuloy kayang salubungin ang mga mata nito na tila nang-aakit. Malago ang kilay nito at mahahaba ang pilantik ng mga mata. "Sino ka? Paano ka nakapasok sa aming bahay?" sunod-sunod na tanong nito.  Gulat siya sa tanong nito at nakatingin lang dito. Napansin iyon ng lalaki kaya ito na ang nag-iwas ng tingin. “Uulitin ko! Sino ka?” matiim na wika. "Ah ako? Ako—ah oo ako iyong pinadala ng kaibigan mo,” aniya nang maalala ang sinabi nito. Napangisi si Sebby sa narinig sa babae. Halatang-halata kasing nagsisinungaling ito. "Tumawag ang kaibigan ko at sinabing hindi pakakapunta ang binayaran niya,” madiing saad nito. Kita niya ang bahagyang gulat sa mukha nito gawa nang pagkakahuli rito. Bakas na bakas sa maganda nitong mukha ang pag-aalinlangan. Muling napalunok si Miles. 'Peste! Isip Miles.' "Oo, hindi nga siya nakakapunta pero pinapunta niya ako kasi nahihiya daw siya sa kaibigan mo na nagbayad tapos hindi pala siya pupunta,” aniya sabay ng isang matamis at maluwang na ngiti. Kailangan niyang pangatawanan ang sinabi kaya lumapit siya sa lalaki at akmang hahawakan ngunit lumayo ito.  Sa hitsura nito ay tila hindi natutuwa ang lalaking nasa harap. Nang may pagdududa pa rin sa mukha ng lalaki ay lumapit siya sa kama nito. "Ano, itutuloy na ba natin?" tila panghahamong wika rito sabay hubad na sana ng pang-itaas niya. "No!" malakas na wika nito. Nagulat pa siya sa bahagyang pagtaas ng boses nito.  "What?! Pero sayang ang binayad ng kaibigan mo?" arte niya sa lalaki. Kailangang kapani-paniwala siya.  "Who are you?" matiim pa ring wika nito habang nakapamaywang. "Okay, I'm Miles,” aniya. "Kung ayaw mo sa akin, pwede na siguro akong umuwi. Sabihin ko na lang din sa friend ko na ayaw mo sa akin,” aniya na may halong paghihinampo kuno. Gustuhin mang magalit ni Sebby sa kapangahasan ng babae ay hinayaan na lamang. Batid niya namang may iba itong pakay sa kaniya o sa bahay nila. May naiisip na siya pero ayaw niyang isiping ganoon.  Muling tumitig sa mukha nito at nakitang nakatingin din pala ito sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata, tila nagtatanungan pero walang maapuhap na kasagutan. "Saan ka nakatira at ihahatid na kita,” alok niya sa babae. Gabi na at kahit maliit lang ang bayan nila ay mahirap na lalo pa at maganda ito. Paminsan-minsan din kasi ay may mga lasing na nagala sa daan. "Huwag na. Alas nueve pa lang naman, kaya ko ang sarili ko,” tanggi niya saka tinungo ang pintuhan nito. Ngunit hindi pa man niya nahahawakan ang seradura noon ay narinig niyang nagsalita ang lalaki.  "Do you think makakalabas ka sa mansiyon ng wala kang kasamang nakatira rito?" pormal na wika ni Sebby. Lumingon siya rito. "I just wonder kung bakit ka nakapasok ng bahay kung hindi ka dumaan sa guard?" dagdag pa nito. Muli ay napalunok si Miles. Mukhang mabubuking pa siya. Agad siyang ngumiti sa lalaki. "Okay, sabi ko nga. Ihatid mo na lang kaya ako,” aniya rito saka muling ngumiti. Kahit kabadong-kabado. Mukha kasing hindi pa rin kumbinsido ang lalaki sa kaniyang pakay talaga sa bahay ng mga ito. Muli ay nainis sa sarili. Unang sabak pa lang niya ay nahuli agad siya. Buti na lamang din at hindi ito nag-insist na may mangyari sa kanila dahil hindi alam kung papaano ang gagawin kapag nagkataon. Hindi alam ni Sebby kung bakit nalulugod pa siya sa mga ngiti ng babae kahit alam niyang isa itong intruder. Anuman ang pakay nito sa bahay nila, malalaman din niya. Batid niyang may mas malalim na dahilan kung bakit naroroon ito at bakit pumasok ng bahay nila na hindi dumadaan sa entrada ng kanilang mansiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD