Lynne’s POV “Lynne, sasamahan kita mag pa check-up.” Napalingon ako kay Sharon nang magsalita siya sa likuran ko. Nasa garden ako ngayon. Alas quatro na ng hapon at hindi na mainit sa balat ang sikat ng araw. May hawak akong libro. “H’wag na Sha, nandiyan naman si Mang Efren na magdadala sa akin sa clinic ni Dra. Katniss. Don’t worry, kaya ko naman alam kong busy ka rin.” Tanggi ko sa kanya. Dahil nilalamon na ako ng aking konsensya. Umupo siya sa tabi ko. Ibinaba ko na ang librong hawak ko at tumingin sa kanya. Three months na ang tiyan ko pero alam nila dalawang buwan pa lang iyon. I conceived before the embryo transfer. “I will cancel all my appointments tomorrow, Lynne, for this. I want to see how my baby is.” Ani n’ya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Malapad at matamis

