Lynne’s POV Dalawang araw walang paramdam si Dominic o ang abogado niya. Dalawang araw na rin akong nagkulong sa aking silid. Wala akong ganang lumabas. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Dominic na ako ang maging ina ng anak niya. Ano iyon mag se-s*x kami? “Marialynne Torres lumabas ka nga diyan may naghahanap sayo dito sa labas!” Malakas na sigaw ni Tessa. Kinalampag pa niya ang aking pintuan. “Sandali naman! Masisira yang pinto ko!” Naka pamewang siya at pinandilatan niya ako ng mga mata niya. Sabay nguso niya. Kaya napakunot ako ng noo. “Ano?” “Hinahanap ka ni ano—” Mabilis akong lumabas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa nasasabi kay Tessa ang nangyari sa akin noong nakaraang araw. “Anong ginagawa mo ri—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pumihit siya.

