Sa isang bahay ng SkyHigh Village, Night House. Nakatayo ang binatang lalake habang nakaharap sa pinto ng mansyon. "Ano ang pangalan mo?" Tanong ng isang boses na nanggaling sa mansyon. Napagisip-isip ang binatang lalake at may pumasok sa isip n'ya. "J.C" Lumabas na si Ikito para mapagumpisahan na niyang hanapin si Suzuki. Pumunta muna siya sa bayan para bumili ng mga gamit. May napagtanto naman siya habang naglalakad at habang abalang-abala siya sa kakahanap, merong nakapansin sa kanya. Lumakad siya papalapit sa binatang lalake. "Ikito Yagami?" Agad napalingon sa kanya ang binatang lalake, at nagtataka siya habang minamasdan ang mukha ng nasa harap n'ya. "Pinunong Junaid?" Sabi n'ya at nag yukod. "Bakit ka nandito?" "Hindi na ako isang pinuno." Sagot ng matandang lalake. Binasa n

