THIRD PERSON P O V Mabuti at hindi natuloy sa pagkaka sakit ang masamang pakiramdam ni Sarah. Naka tulugan n'ya kasi ang labis na pag- iisip. Nagising nga siyang madilim na sa paligid. Unti- unting bumangon para buksan ang ilaw. Nasilaw pa s'ya nang kumalat ang liwanag sa silid na tila binagyo pa rin dahil hindi pa naman s'ya nakakapag ligpit mula kaninang umaga. Nag linis lamang muna s'ya ng mukha at toothbrush sa bathroom bago lumabas para magluto sa kusina. Gutom na gutom kasi s'ya kaya naman magluluto muna s'ya at baka maya- maya lamang ay dumating na si Tom kahit wala naman itong bilin ay nag- prepare pa rin siya ng hapunan nila. Nauna nga lamang s'yang kumain nang makatapos mag luto tsaka tinakpan ang natira niyang ulam sa dining table. At bumalik sa silid na ginagamit niya para

