TOM'S P O V
" P- Paano ito, h- hindi ko ito mga damit. " kiming saad ni Sarah, nang mabuksan ang maleta ng kakambal dahil ito nga sana ang magiging asawa ni Tom. Nakauwi na kasi sila sa kanilang condo unit, si Sandra nga ay iniuwi muna ni Tim kahit mahimbing pa itong natutulog.
Napag desisyunan na ng magkabilang pamilya na imbestigahan kung sino ang nasa likod ng
Napa hugot naman ng malalim na buntong hininga si Tom tsaka napa kamot sa ulo. Dahil sa laki ng problema na idinulot ng may galit sa kanila. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag- iisip ang makakagawa na pag palitin sila ng mga Bride? Ilang taon na rin kasi silang magkasintahan ay kung bakit kung kailan araw ng kanilang kasal ay tsaka pa hindi nila nakilala ang difference ng kanilang mga nobya?
Masyado kasing reaveling ang nga damit ni Sandra kumpara sa mga isinusuot ni Sarah na may pagka- conservative.
" Ngayong gabi lang naman e, bukas pabalik ko sa driver namin itong maleta ni Sandra, para makuha na rin ang maleta mo sa condo naman nila Tim. For the meantime ay isuot mo muna ang damit ni Sandra. " mahabang paliwanag ko sa aking substitute bride.
" Eh, . . . H- Hindi ako kumportable sa mga damit n'ya, too revealing kasi. " kiming saad naman ni Sarah
Napahinga tuloy ako ng malalim dahil sa sinabi n'ya, " Ahm, ganito na lang, . . . undies na lang ang hiramin mo sa kanya at papahiramin kita ng shirt ko. O guato mong undiea ko ang isuot mo kung hindi ka comfortable sa p@nty ng kakambal mo? Para makatulog ka ng kumportable. P- Promise, bukas na bukas din ay makukuha mo ang mga damit mo sa maleta. " pangako ko pa sa aking Misis na tila maiiyak na habang nakaupo sa ibabaw ng malapad at malambot kong kama.
Habang ako ay nakatayo sa ibaba ng nakabukas ng maleta malapit sa paanan ng kama.
Puro kulay puti lahat ang kulay rito sa aking silid, ultimo sa kurtina, bedsheets, pillow case at comforter. Pati na rin ang leather couch sa mini sala nitong aking silid ay puti rin. Isama pa ang center table at TV set na naka- mounted sa pader. Ang carpet, kama mismo at dalawang bedside table isama na ang lampshade na nakapatong doon ay pawang mga kulay puti rin.
" U- Undies na lang si Sandra, sige, m- maliligo na ko. " kiming saad pa nito
" T- Teka lang, kukuha ako ng t- shirt ko. " paalam ko sa kanya at pumasok ako sa aking walk in closet, na puro kulay puti rin ang matatanaw, tila naman ito stall sa shopping mall sa rami ng collection ko ng sapatos, mayroong rubber shoes, running shoes, top sider at leather para sa pagpasok ko sa opisina. Mayroon din akong collection ng mga watches, naka- hanger sa isang panig ng cabinet ang aking mga long sleeve na iba't iba ang kulay. Tila nga saleslady ang aming kasambahay sa ganda nang pagkaka ayos nito ng aking mga damit, as usual mga white t- shirt ang karamihan tsaka walking shorts at undies ko.
Kumuha ako ng iaanf white t- shirt tsaka lumabas ng walk in closet. " Oh, pwede ka ng maligo, ayun ang bathroom. " abot sa kanya ng damit nang makalapit ako
" S- Salamat. " mahinhin pa rin niyang sambit sabay kuha sa kamay ko ng damit at tayo mula sa ibabaw ng kama para tunguhin ang banyo.
Tila may pumitik naman sa sintido ko sa kilos ni Sarah, bigla kasi akong may naalala. Iyong kilos n'ya kasing mahinhin at tila naive..Pero dagli ko rin namang ipiniksi ang aking ulo at kinuha ko na lamang ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking suot na pantalong maong para tawagan si Tim at kumustahin si Sandra na s'ya talagang magiging asawa ko.
Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko kung sino ang mastermind nitong bride switching sa amin ng aking kakambal. At hindi rin namin alam kung sino ang may kagalit sa amin apat pata ganituhin kami.
" Kumusta, Bro, si Sandra? " bungad kong tanong, hindi ko na ngang nakuhang mag- hello man lang
" Eto, comatose pa rin, sa palagay mo, Bro, sino kaya ang may galit sa atin at nagawa ito? " problemadong usisa ni Tim sa kakambal
" Wala akong alam, baka naman si Sandra lang ang mayroong kaaway kaya s'ya lamang ang ginawa ng masama? Pero sa isang taon naming mag kasintahan ay wala naman akong napapansin sa kanya na kakaiba. Wala rin akong nakikita na kaaway n'ya o stalker na sunod nang sunod. " mahaba ko namang paliwanag
" Hayst! Ang hirap nito, imbis na nasa honeymoon na tayo, eto at problema ang sumalubong sa atin. " Himutok pa ni Tim, " Sinasabi ko sa'yo, Tom, h'wag mong kakantiin ni dulo ng daliri ni Sarah, ingat na ingat ako sa kanya! " pagbabanta pa nito kaya natawa na lamang si Tom
" Tooommm! Don't tell me . . . . "
" Malay ko bang hindi s'ya si Sandra!? Alam mo namang honeymoon natin kagabi, natural na may bembangan na mangyayari! " putol ko naman sa sasabihin pa sana ni Tim
" P*tang *na! " tung@y@w n'ya ng hindi matanggap na may namagitan na sa amin ng Fiancée n'ya. " Malaman ko lang kung sino ang mastermind nitong bride switching natin! I'll make sure na mabubulok s'ya sa bilangguan! " galit na galit na saad pa n'ya
" Malamang na may sigurado si Sandra, iyon nga lamang ay comatose s'ya. " komento ko naman
" Baka naman may nalalaman si Sarah, may napapansin na s'ya siguro sa behavior ng kakambal n'ya hindi lamang n'ya napag tuunan ng pansin. " suhestyon pa ni Tim
" Pwede rin! Tanungin ko mamaya paglabas sa bathroom, naliligo kasi s'ya. " tugon ko naman at nabanggit ko na nga ang mga maleta ng asawa namin, pumayag nga siyang pagpalitin bukas.
Marami pa kaming napag- usapan hanggang sa i- end ko na dahil lumabas na si Sarah sa bathroom.
Nanuot tuloy sa ilong ko ang amoy ng shampoo at sabon na ginamit n'ya na aking pag- aari. Feeling ko naman ay mas mabango kapag sa asawa ko nanggagaling ang amoy kaysa sa akin.
Napalunok tuloy ako ng sariling laway habang naka titig sa kanya, nakaharap s'ya sa drawer na may salamin sa kabilang panig ng aking silid. Kulay puti rin iyon at walang ibang nanduroon kung hindi puro sa aking skin care. Nakita kong inabot n'ya ang suklay at inalis ang towel na naka pugong sa kanyang buhok tsaka n'ya iyon sinuklay.
Ewan ko ba, iba ang feeling ko sa kay Sarah ngayon, na kahit ang aking junjun ay kumikislot- kislot sa loob ng suot kong brief. Hindi pa rin kasi ako nagpapalit ng damit mula nang umalis kami kanina sa hotel. Gandang- ganda ako sa kanya habang nagsusuklay ng mahaba n'yang buhok na sing- itim ng gabi ang kulay. Kahit naman sino ay mabibighani sa Fiancée ni Tim na ito, may malulusog na dibdib. Maliit na baywang at kulay morena na balat tapos matangkad pa.
Kaya nang umigting ang aking junjun nang maibaba ko ang aking paningin sa kanyang matambok na pw3t at bumagay pa sa kanya ang aking t- shirt na tumataas kapag gumagalaw s'ya. Kaya kitang- kita ang bilugan niyang mga hita dahil doon lamang umabot ang laylayan ng damit ko ay pumasok na ako sa bathroom sabay bukas ng gripo. Tumapat na ako roon kahit nakabihis pa ako para lamang mawala ang init ng aking nararamdaman.
Kaya naman hindi ko maipapangako na hindi mauulit ang bembangin namin kagabi dahil ngayon pa nga lamang ay hindi ko na alam ang gagawin kong pagpipigil sa aking sarili at katawan na pagnasahan ang babaeng magiging hipag ko sana.
Tinagalan ko talaga ang paliligo para paglabas ko ay tulog na s'ya dahil ayoko ngang magkasala ulit. Kahit na ba asawa ko s'ya sa papel at nakuha ko na ang kanyang pagka birh3n. Bilang respeto na lang din sa aking kakambal ay titiisin ko hangga't makakaya ko.
Kaya lang naman may namagitan sa amin kagabi ay dahil ang buong akala ko nga ay s'ya si Sandra. Maraming beses na rin kasing may namagitan sa amin ng aking hipag ngayon na comatose.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang lumabas ako ng bathroom na payapa nang natutulog si Sarah. Tila s'ya anghel dahil sa maamong mukha, matangos na ilong, maninipis at mapupulang mga labi at tila nangungusap na mga mata.
Tinalikuran ko agad s'ya dahil kumikislot- kislot na naman ang aking junjun. Mariin akong pumikit at pinilit na makatulog na rin.