SARAH'S P O V " Uhu! Uhu! " ubo sabay takip ng panyo kong hawak sa aking ilong " Dapat pala nag suot ka ng face mask, sa itaas tayo para walang masyadong tao. " sambit naman ni Tom na may kalakasan, dahil maingay sa paligid kaya hindi kami magkaka rinigan kung mahinang boses lamang. Nang magising kasi ako kanina ay naligo na ako ng tubig sa gripo para nga hindi ako mabinat. Magaling na kasi ako kaya niyaya na ako rito ni Tom sa opening daw ng Bar ng kaibigan n'ya. Ayoko sanang sumama subalit ayaw naman n'ya akong iwan sa condo unit namin na mag- isa. Nangako naman s'yang sandali lanh daw kami. Kaya eto, tinitiis ko ang mga usok na nanggagaling sa sigarilyo at ingay na nanggagaling sa sound system at hiyawan ng mga tao na nasa dance floor. Hindi ko lang masabi sa kanya na ngayon laman

