SARAH'S P O V " Hhmmm! " na alimpungatan ako dahil tila may mabigat na naka dagan sa tiyan at hita ko, hindi kasi ako makakilos, dahil sa tila troso sa laki. Kaya naman pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nagulat pa ako nang mabungaran ko si Tom ang katabi ko. Mahimbing na natutulog, ang binti, hita at tuhod nito ang naka dagan sa tiyan ko hanggang sa aking hita. Natatamaan pa nga ng tuhod niya ang maumbok kong kiffy. Nang lingunin ko ang kanyang mukha ay tila nahapis iyon, mahaba na ang bigote at balbas na tila ilang araw ng hindi nadadaanan ng pang- ahit. Mahaba na rin ang kanyang buhok, halos tumabing na nga sa kanyang mukha ang mga iyon. Tanging boxer short lamang ang suot n'ya kaya naman tila ako natatakam sa malapad niyang dibdib. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para maw

