TIM'S P O V " Coffee, Sir. " inilapag ng aking Secretary ang isang tasa na naka patong sa platito ang umuusok na kape gaya nang hiningi ko sa kanya " Thank you! You may now return to your table. " mahinahon ko naman wika " Thank you, Sir! " yumuko pa ito ng bahagya sa harapan ko bago tumalikod palabas ng aking opisina. Binitiwan ko naman ang hawak kong ballpen tsaka ipinilig pa kaliwa at kanan ang aking ulo dahil sa pangangalay. Tumayo ako tsaka dinampot ang tasa ng kape tsaka dahan- dahan na nag lakad patungo sa glass wall ng aking private office. Tumingin sa labas niyon kahit puro nagtataasang building din naman ang aking nakikita. Nandito kasi ako sa kilalang Dubai Marina, kung saan maraming establishmemts ang okupado ng mga building. Nasa ibaba naman niyon ang iba't ibang klas

