SARAH'S P O V Nang mapagod kami kaka langoy at sisid, dalawang klase kasi nang sisid ang aming ginawa kaya dumoble ang pagod namin. Kaya nag- aya na si Tom na bumalik ng bahay, malapit na rin namang dumilim ang paligid. Ubos na rin naman ang snacks na pinadala sa amin ng kasambahay niya. Hawak kamay pa kaming nag lakad pabalik nga ng bahay habang bitbit n'ya ang walang lamang basket kung hindi ang aming mga pinag kainan. Naka sampay naman sa magkabilang balikat ko ang towel kong dala kanina samantalang ang kay Tom ay isinampay lang niya sa kanang balikat. Kaya naka balandra na naman ang kanyang six packs abs. " Kakain na po ba kayo, Sir ng hapunan? " usisa agad ng kasambahay niya pag pasok namin sa pinto ng kusina para idaan nga namin iyong basket na bitbit ni Tom. " Magbabanlaw mu

