SARAH'S P O V " Hindi ko alam kung ano iyang pumasok sa kukote mo, Sandra! Nakaka hiya kila balae! Sabihin pang hindi ko kayo napa laki ng maayos! " galit na sermon ni Daddy sa kakambal ko, pagka- uwi namin sa aming bahay mula sa condo ni Tim. Umuwi na rin sa bahay nila ang mag- asawang Magdangal. " M- May rason naman po ako, Daddy, sinabi ko naman po sa inyo kung ano 'yon. " humihikbing tugon naman ni Sandra sa malumanay na boses " Sana hindi mo na pina abot na maikasal kayo! Ang dami ng araw, linggo o buwan na pwede kang umatras! Kung bakit sa araw pa mismo ng kasal n'yong apat! " galit pa ring sermon ni Daddy Patuloy pa rin akong umiiyak habang naka upo sofa sa aling living area sa gitna namin ni Sandra ang aming Mommy at hinahagod ang likod namin pareho. " G- Gusto ko . . .

