THIRD PERSON P O V Simula nga noon ay sinusundo ni Tom si Sarah tuwing uwian sa hapon tapos kakain sila sa labas tsaka mamasyal o window shopping sa mga mall bago ihatid sa bahay ng mga Rosales. " Nakapag paalam ka na ba na may pupuntahan tayo sa weekend? " masuyong tanong ni Tom kay Sarah isang gabi na ihahatid na niya ito sa bahay nila. " Uumh! Payag naman sila, t- tinanong lang kung ilanh a- araw at kung sino ang k- kasama natin? " kiming saad naman ni Sarah, tumango lang si Tom. Tila natameme na naman ito kahit ilang araw na silang nagkikita at nagkaka- usap after ng trabaho ni Sarah. Kaya naman naging tahimik na ulit ang loob ng sasakyan habang bumibyahe sila. Hanggang sa makarating sa tapat ng bahay nila Sarah ay wala na ulit silang naging kwentuhan. " Maraming salamat sa pa

