TOM'S P O V " Tsk! Ano ba 'yan! Kaya ayokong ma inlove eh! " himutok na sambit ni Renen Kaya binatukan lang s'ya ng dalawa pa naming kaibigan. " Kaya lang ayaw mo kasi kaka- break n'yo lang! " sabay pang sambit ng dalawa sa tig magkabilang tainga ni Renen kaya itinapik naman niya ang mga palad doon para hindi na marinig ang sasabihin nila Cleo at Mike Pagka alis ko sa condo ni Tim ay rito ako dumiretso sa bar ni Mike at hinintay na lamang ang dalawa na dumating tsaka kami uminom ng alak kahit tanghali pa lamang at hindi pa talaga nagbubukas ang bar. At pinag tapat ko na nga sa kanila ang ginawang pag- amin ni Sandra tungkol sa aming pagkaka palit ng mga asawa. " Kasi naman eh! Ang daming tao sa mundo kung bakit naman kasi pareho na kayong kambal tapos sa kambal din kayo nagka gus

