Chapter 2

1838 Words
Sunny's POV Ilang oras ay natapos ko nang gamutin lahat ng sugat niya, sunod naman ay tinangal ko ang isang coat nya at tie, binuksan ko rin ang ilang butones sa damit nito, tinanggal ko rin ang pantalon niya, mabuti na lang at naka boxer naman ito. Umalis muna ako saglit para kumuha ng bimpo at malamig na tubig na may yelo na galing pa sa kapitbahay ko. Pagbalik ko ay nakita kong nakaupo na ito at nakaharap sa bintana sa gilid ng higaan. "Umm ok ka lang ba?" humarap ito sa akin habang namumungay ang mukha nito. Lasing pa rin ata si kuya. "Kuya higa ka muna at pupunasan lang kita para naman mabawasan ang kalasingan nyo." lumapit ako dito at nilagay sa mesa ang plangganang dala ko. Habang pinupunasan ito ay ramdam ko ang tingin nito sa kin ngunit wala itong sinasabi at hinahayaan lang akong punasan ito. Pagkatapos ko ay pinahiga ko muna ito at tumayo para ibalik ang mga ginamit ko. Aalis na sana ako nang naramdaman ko ang kamay nita sa braso ko. Nakatitig lang sa akin ito ngunit alam ko ang ipinapahiwatig nito. "Babalikan kita kuya hwag kang mag-alala, babalik ko lang tong mga gamit na nasa mesa." mukha naman alam nito ang sinabi ko at binitawan ang braso ko. Pagbalik ko ay nakatulog na sya. Kinumutan ko ang katawan nito bago umalis papunta sa sala. Wala akong masyadong mga gamit sa bahay, maliban sa higaan, mesa, upuan at mga gamit pang luto at pangligo. Naglatag ako ng kumot at unan sa sahig na nagsisilbing higaan ko. Habang nakahiga ay inaalala ko ang kalagayan ng lalaki. Sa sobrang pagiisip ay napatulog ako. Skylar's POV The first thing i feel after waking up is a splitting headache, i looked at my surroundings when i realized i wasn't in my bedroom. This room was very small and so was the bed, i can also see a small table and a chair next to the bed. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may dalang pagkain. Ngumiti muna ito sakin bago ilapag ang pagkain sa mesa. "Kamusta po tulog nyo kuya? Kain muna kayo. Sorry kung noodles at pandesal lang ang mapapakain ko sa inyo wala po kasi akong pera pangbili ng mamahaling pagkain." sabi lang nito habang nakangiti pa rin sakin. "Who are you?" minasahe ko ang ulo ko nang biglang sumakit nanaman ito. Damn hangover. "Ako po pala si Sunny. Ito po inom na muna kayo ng kape para mabawasan naman po sakit ng ulo nyo." nagpasalamat muna ako dito bago kunin ang kape. "How did i get here and where's my cellphone" taning ko rito nang maalalang may kotse pala akong dala. "Umm ano po? Sorry di ako masyadong makaintindi ng english, tinatanong nyo po ba kung nasaan cellphone ninyo?" "Yeah asan ang wallet at cellphone ko." pagkatapos ko magsalita ay napansin kong kabado ito. "Umm mukhang nakuha ni boryo yung wallet at cellphone nyo, pero wag kayo magalala kilala itong si boryo sa amin kaya mahahanap natin agad wallet at susi ninyo." "Tsk, di na kailangan marami naman akong pera. Kailangan ko nang umalis, marami pa akong gagawin." yun na lang ang sinabi ko at tinangal ang kumot. "K-kahit na mayaman ka dapat di mo nilalang ang pera, dapat kahit piso pinapahalagahan nyo. Pano ang iba pang mga importanteng gamit duon, at ang mahal ng cellphone ngayon pero hahayan mo na lang yun mawala. Problema sa inyong mayayaman ay nila-la g nyo ang pera. At gagastos kayo ng bagay na di naman importante, kung binibigay nyo sa charity ang pera baka makatulong pa ka.....bakit ka tumatawa kuya." di na nya natapos ang sinasabi nya dahil napatawa na lang ako. This kid is really weird. "Hahahaha! It's been a long time since i laughed like this. Don't worry kid i will give money to charity or something." nagtataka naman itong nakatingin sakin. "Ha ano po kuya? Di naman kita maintindihan eh. Ang hirap naman kumausap ng mayaman." mahina ang sinabi nya sa huli pero ring ko naman. Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pintuan, nagpaalam muna ito para buksan ang pinto. Ilang minuto ay pumasok ito na may kasamang matandang lalaki. "Kamusta ang kalagayan mo iho? Ok ka na ba, kakausapin lang kita nang madali, pwede ba?" tumango na lang ako dito. "Ako nga pala ang barangay captain rito, napagalaman namin na sinaktan ka ni boryo at kinuha ang gamit nyo. Tama ba?." "Yeah, nahanap nyo na ba?" "Well kaya ako nandito ay para ibalik ang gamit nyo. Ibebenta na sana ni boryo ang cellphone nyo pero buti na lang ay nahanap namin ito bago pa maibenta ang phone. Nahanap rin namin ang wallet nyo kaso ginastos na nito ang laman nito pero nandito pa rin mga cord mo sa loob." nilapag nito sa mesa ang cellphone at wallet ko. "Magsasampa kaba ng kaso iho?" "No, it's ok. I don't really care as long as i have my phone, besides it just has 1,000 inside." yun na lang ang sinabi ko "Well kung di ay ikukulong na lang namin ito sa salang pagnanakaw. Oh pano sunny aalis na ako ikaw na bahala sa kanya." "Ok po, hatid na po kita sa labas." Pagkaalis nila ay kinuha ko ang cellphone at binuksan. Maliban sa isang missed call galing sa secretary ko ay meron din message si tyson at devon. Nag text na rin ako sa mga tauhan ko para sunduin ako dito. I just swiped all the messages when i saw her name. Binuksan ko ito at binasa. Sorry babe, i really am. Sana maintindihan mo. Tsk it's so easy for you to say. You just left me for your career like we never had a long relationship. You continue to be happy but I'm suffering, what a selfish b***h. Sunny's POV Pagkahatid ko kay kap ay agad na bumalik ako sa kwarto. Pagkarating ko ay bumungad sakin ang masamang tingin nito sa cellphone. "May problema ba." agad na mapunta ang tingin nito sakin. "Wala to. Kumain ka na ba? Kung hindi ito na lang ginawa mo ang kainin mo. Aalis na rin naman ako dahil may trabaho pang naghihintay sakin, papunta na rin dito ang sundo ko ngayon" tiningnan ko ang pagkain sa lamesa tapos bumalik ako sa kanya. "Huh? Baka matagalan pa ang sundo mo kumain ka muna para...." di natuloy ang sinabi ko dahil narinig ko ang katok sa pinto. Sino naman yan? May bisita ba ako ngayon? Tumakbo ako papuntang pinto dahil sobrang lakas ng pagkatok nito na para bang sisirain ang pinto ko. Napaatras ako nang nasa harapan ko ang limang matitikas na lalaki na nakapormal na suot. Nakakatakot rin ang mukha nito sa sobrang seryoso. "Stop glaring at the kid idiots. Your scaring him" napatalon ako ng onti ng maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko. Napatayo nang diretso ang mga ito at sabay na yumuko. "Boss!!!" Huh? Boss? Napatingin ako kay kuya tapos sa mga lalaki na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. "Boss! Nalaman namin ang nangyari kay Max. Ayos lang po kayo." sabi nang isang lalaki na bigla na lang sumulpot kung saan. "It's nothing Jerry. Are my things ready?" "Yes sir, everything you asked is ready. Kayo na lang po ang hinihintay." Nakikinig lang ako sa paguusap nang dalawa. Kaibigan ba sya ni kuya? Siya lang ata kasi ang nakakapagusap kay kuya. "Who's this kid boss?" tanong nito kay kuya. Kanina pa ako nandito pero ngayon lang ako nito napansin. "This is the kid who helped me. Let's not waste time, i have lots of things to do." napalingon ito sakin. "Aalis na ako, thank you sa pagtulong mo sakin. Just tell me what you want I'll give it to you kapalit sa pagtulong mo sakin." "Ay di na kailangan nakakaabala naman, tsaka ayos naman sakin na nakatulong ako sa iba." Napatingin sakin ito sakin at bumuntong hininga. Ginulo lang nito ang buhok ko at agad na umalis kasama ang mga bodyguard nito. Pagkapasok niya sa kotse ay napatingin ito sakin, kumaway lang ako dito. Nangmakaalis na sila ay dun kumulog ang tyan ko. Sabagay di naman na ako nakakain kagabi kaka-asikaso sa kanya. Pumasok na ako sa bahay at pumutang kwarto para kainin ang hinain ko sa kanya kanina. "Ito sunny ang mga bote. Magingat ka dyan sa labas." "Okay po aling Rita, salamat" Isang limggo na ang nakalipas ng umalis si kuya ay balik sa dati ang buhay ko. Pagkalagay ko ng mga bote sa kariton ko ay agad na hinila ko ito para makapunta sa ibang bahay. Nandito ako ngayon sa malapit na village para makahingi ng mga recyclable na gamit. Buti na lang talaga at mababait ang ibang mayayaman dito at di ako sinusungitan o kinukutya. Binibigyan rin nila ako ng pagkain pag dadating ako kaya nakakataba ng puso na meron pang tutulong sa isang mahirap na tulad ko. May iba rin namang masasama ang ugali pero okay lang naman sakin yun. Dahil sa pagmumuni-muni ko ay di ko namalayan na may nakabungguan akong kotse, at malala pa ay mukhang nagasgas ko ang side ng kotse nito. "Are you okay?" Napatingin ako sa lalaking kakalabas lang ng kotse na nabunggo ko. "S-sorry kuya di ko po sinasadya." nanginginig kong sabi. Pano na kaya kung singilin nya ako ng pera pang ayos ng kotse nito. Wala akong malaking halaga ng pera pang ayos nito. "Hey don't worry about it, gasgas lang to pwede pa naman ito madrive eh. Lumabas ako dahil baka nasaktan kita." sabi nito. Namangha ako dahil kadalasan sa kwento na nakikita ko sa tv ay pag nakabunggo ng kotse ang isang mahirap ay hinihingan ito ng pera at sinasaktan rin. Pero si kuya imbes na ang kotse ang inaalala nito ay ako pa, na isang mahirap. "Okay lang po ako, at sorry ulit kuya babayaran na lang kita pag nakaipon na ako ng pera." "Nah it's really alright, by the way I'm Eric, what's your name?" tanong nito. Kanina pa pala kami dito di pa ako nagpapakilala. "Sunny po kuya." nilahad ko ang kamay ko at agad ako nito kinamayan pabalik. "Nice to meet you sunny, i have to go my mom might be waiting for me at home. Take care on your way home." Pagkatapos magpaalam ay agad itong pumasok sa kotse, at bago nito andarin ang kotse ay kumaway ito. Kinawayan ko rin ito pabalik at agad na pinaharurot ang kotse. Nang wala na sya sa paningin ko ay hinila ko na ulit ang kariton at tumungo sa junk shop para makauwi na rin ako at kumain. ------------------------------------------------------ The man in the car was smirking when he saw the boy that saved him back then talked with someone happily. For some reason it annoyed him and wanted to rip out the smile on that man's face. "Sir bababa ka po ba dito." "No take me back home, i was just looking at something interesting outside." agad naman umandar ang kotse paalis sa kinaroroonan nito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD