in this episode you will feel the coldness and heartache na mamamagitan samin .
offcourse alams na pag pasko at bagong taon ay mag expect ka na may gift from ninong and ninang,from family at friends ,at sa exchange gift sa classroom .pero kami sa department Namin ay di pangkaraniwan na Christmas party .di kmi naki exchange gift Kasi pang bata lang daw Yun kaya kumain lang kami at kung sino lang gusto maggift sa kaklase .kaya offcourse chinat ko siya I ask him for a gift then nag expect ako Kasi umoo siya .
Friday morning ang program namin ,super aga para daw nakapag games kami .then hinintay ko na magstart Ang program .nag games kami halos lahat Ng laro ay sinalihan ko pero di Ako nananali hahahha pero never kung Nakita si honey na sumali ,tahimik lang din siya sa sulok at pinapanood kami na naglalaro.di din siya nakisali sa intermission pero Ang nakakainis ay tingin siya ng tingin kay milly ,diko alam kung bakit pero kutob ko may tinatago Ang dalawa at bigla nanaman akong kinabahan kaya di nako nakapag concentrate sa games .lumapit naman ako Kay arriana na siyang Taga kuha Ng picture,sinabihan ko siya na kunan kmi ng pic nang lahat ng boys at pang huli si honey.at nang matapos na kmi magpapicture sa boys namin ay si honey na.nilapitan ko siya at sinabing mag picture kami pero tumanggi siya nung una Ang sabi niya di daw mahilig sa pic.pero napilit ko siya kalaunan .ng matapos na kmi sa games ay kumain na kami .naging Masaya Ang Salo salo nmin dahil nandun kami sa lahat at higit sa lahat ay Ang daming foods hahaha .Yun Ang pinakapaborito ko sa lahat .
habang kumakain kami ay nagsalita na si sir .
"oh Yung mga mayregalo jan bigat niyo na ."
napuno ang room ng ingay .
"oh nagpapatinig si sir hahaha ilabas na kung meron..."
"Wala daw sir hahaha"
...
so ayun Ang mga Ilan sa min especially Yung mga may jowa ay nagbigayan ng biglang naramdaman Kong naiihi ako kaya nagpaalam Ako sa guro nmin para lumabas nasa corridor Ako nung naalala ko na naiwan ko yung cellphone ko kaya bumalik ako .mula sa bintana ay rinigna rinig Ang kanchawan kaya lumapit Ako sa pinto at sinilip dahil baka magjowa na Naman Yun pero to my surprised ay si honey holding a gift and the next thing I saw was milly standing in front of him.kilig na kilig parang Akala mo'y nilalanggam na asukal.then tumingin Ako Kay honey na abot tenga ang ngiti .nasaktan ako nang makita ko sila kaya dali dali akong tumakbo sa Cr .naiiyak Ako pero pinigilan ko .di Ako pwedeng umiyak dito ,hindi ko pwedeng ipakita na affected ako kaya ,hinintay ko muna na kumalma Ang sarili ko ,sinubukan kong maging normal Ang lahat na parang Wala akong Nakita at walang alam.bumalik Ako sa room na parang ok lang lahat .si honey na bumalik sa pwesto at si milly na pangiti ngiti ,diko nakita yung gift cguro ay pinasok na niya ito sa bag pero diko nalang pinansin .nang matapos kaming kumain ay naglinis na kami .Yung iba Naman ay nagplanong magswiswimming daw sila .niyaya ako kaya sino ba naman ako para tumanggi at para din nakalimutan ko ang nangyari.
nagplano kami na makikisabay sa kaklase Namin na makikisabay kami sa kotse Niya para sabay sabay na kami .pumasok na kami lahat sa kotse pero diko na pinansin kung sino makakatabi ko dahil wala narin naman Akong pakielam .umupo lang Ako at sinandal Ang ulo sa headboard Ng sasakyan,habang Ang mga iba ay nagkwekwentuhan nang marinig ko Ang pamilyar na boses Ng aking katabi ,nilingun ko siya at di Ako nagkamali si honey nga ang katabi ko .kaya Sabi ko sa kaibigan Namin na ihinto Ang sasakyan dahil gusto Kong lumipat sa harapan Ng magprotesta Ang naka upo dito Ng tinignan ko kung sino siya ay nagulat pako .kasama din pala namin si James at ako lang pala ang babae dito sa loob ng sasakyan.
"wait nasan si milly?"
"makikisabay daw siya Kay ads.."
si honey ang sumagot pero nagtanong lang ako ulit na parang wala akong narinig.pero Kay James Ako nagtanong ayoko Kasing marinig ang boses Niya dahil naaalala ko lng ang pagbibigay niya ng regalo kay milly .
"James bat dimo sinabi Anjan ka pala?"
"ah kala ko Kasi di ka sasama."
"dapat sinabi mo para magkatabi TAYO..."
sinadya Kong di Inan Ang huling salita .gusto ko kasi marinig kong ano magiging reaction ng katabi ko sa sinabi ko.
naiilang din kasi akong katabi siya .the feeling is awkward hahaha.gusto ko rin kasing katabi si James kasi I'm sure magiging madaldal kami pagnagkatabi.
"lipat ka dito sa likod James .."
"oo nga James palit tayo..."
honey answered in a disappointed tone .he sound disappointed but why do I care .maganda nga yun para makaramdam naman siya di lang Ako yung nasasaktan pero bat naman siya masasaktan eh wala nga yun pakielam sakin .
"wag na tayo magpalit malapit din naman na tayo."
"oo nga ...pagtiyagaan niyo muna isat isa hahhaha"
si Karlo naman ang sumagot .ang may ari ng kotse na siya ring kasalukuyang nagmamaneho at barkada din Namin na madalas Kong kaasaran lalo na pagdating kay James .lagi niya kaming inaasar .siya din ang nagplano na iposas. kaming dalawa at ipakasal Kay James . tuwing nagkikita kita kami nila James ay lagi niyang sinasabi na mag asawa na kami .pero paborito niyang linya ay magproduce na raw kmi ng anak para siya daw yung ninong.talagang botong boto samin ni James pero pagdating kay honey ay mas lalo niya kaming pinaglalayo ,oo ayaw niya ako para kay honey di daw kami para sa isat isa .
nang makarating ako sa resort ay bumaba na kming lahat pero kami lng ni honey Ang pumasok .kami kasi ang makikiusap sa may ari ng resort para sa cottage na gagamitin pero paglingon nmin sa gate ay bumalik pala Silang lahat at iniwan kami kaya nman ay pumasok na kmi sa cottage kung saan kami .hinintay namin silang makabalik halos walang nagpapansinan samin at walang umiimik . bukod Kasi sa ang awkward ay wala din naman kaming dapat pag usapan kaya minatili naming maghintay nalang.i keep myself busy Hanggang sa dumating sila .
nang matapos nilang ibaba ang mga pagkain ay nagsimula na kaming magbihis ng swimsuit Ako ay nagsuot lng Ng shorts at shirt .pagkatapos naming magbihis ay dumeretso muna kami sa games area nila.una naming nilaro ay Yung basket ball .Masaya Yung game at talagang nag enjoy kmi sunod Naman ay volleyball Hindi nako nakisali dahil alam Kong diko namang kaya at baka mabalin lang Ako hahaha pero para di Ako mabord ay niyaya ko si milly para maglaro ng Badminton at nang mapagod na kaming lahat ay bumalik na kming lahat sa cottage para magmerienda at syempre di mawawala ang alak. college narin naman kami kaya di na kmi innocent sa mga bagay na Yan halos lahat nga kmi ay umiinom but moderately nga lang specially me cause I have low tolerance pagdating sa alak,diko pa nakakalahati Yung drinking glass gumapang gapang gapang nako hahaha at nagkalat ng suka kaya hinayhinay lang di rin na wala Ang videoke .kung Sila nakarami Ng alam Ako Naman nakarami Ng kanta diko pinagsawaan Kasi hilig ko talga Ang kumanta kaya Naman sinulit ko ito Hanggang halos Wala na kong boses .pero alam niyo ba kung ano ang nakapag pagana sakin at mas nagpasaya ?Yun ay dahil Kasama ko si James at tanging parang kmi lang Ang tao dun sinamahan Niya Ako sa kaabnormalan ko at amazed na amazed Ako sa kanya dahil Wala siyang pakielam kung maraming nakatingin.kasalukuyan kaming kumakanta when suddenly ,he kissed me in front of our group .I was stunned at first I couldn't believe what I just feel.his lips that feels on mine .napa awang Ang aking labi sa ginawa niya .itutulak ko na sana siya Ng parang natauhan ,napatakip sa bibig then move backwards I ,then move backwards then run towards the washroom .nang bumalik ako sa cottage ay nakaready na Ang lahat para magswimming ,parang walang Silang nasaksihan .tinawag ko si Karlo dahil Ang awkward na nang paligid .nagpaiwan nman si Karlo dahil mukang alam Niya kung bakit.i ask him about what happened after I left them a while ago.
"what did they say?"
"wala naman...cge na magbihis kana.."
"parang ayoko na magswimming ,kayo nalang..."
"cge na kc..mamaya kakausapin ko rin si James ..."
" nako wag na Ako nalang kakausap."
"cge kaw bahala ,Basta wag ka magmumukmuk Jan..."
"oum ...cge na Mauna kana..."
Yun lng at umalis na siya .nanatili Ako sa pwesto ko nang mapagdesisyonan na lumabas nalang .
mula sa labas ay malalanghap mo Ang hangin ,napakalinis at napakaginhawa sa pakiramdam.meron ding mini park sa resort na kung saan Makikita mo Ang mga seasaw,swing ,slide at iba pa.napili kung puntahan ang swing dahil namiss ko ata Ang pagkabata.
naupo Ako roon at nagsimulang magswing .the air felt breathtaking ,the swing felt so good .pagnagtatama Ang hangin sa Muka ko ay napapapikit Ako .
kasalukuyan akong nakapikit Ang mata Ng tawagin Ako ng pamilyar na boses mula sa kabilang bahagi ng swing .huminto ako para tignan kung sino ng makita ko si James .
"bakit?"
I ask wryly as I stay still and face the ground because I'm afraid and feel embarrassed.i felt the sudden scared after what he did earlier.magtatapos naba ang pagkakaibigan nmin o magtatapat ba siya sa nararamdaman niya.
naupo siya sa kabilang swing habang nakayuko ito .
"may gusto akong sabihin....."
I cut his words assuming na maririnig ko sa kanya ang salitang kinatatakutan ko.
"ano Kasi James .mag swiswimming lang Ako."
"saglit lng pls.."
aalis na sana ako nang harangin niya ko then grab my wrist.i stop and face him.
"ano bang sasabihin mo ?"
"I just...."
sabay kaming napalingon sa tawag Ng kaibigan Namin .nakahawak ito Ng towel at mukang tapos na ata silang magswimming .nakasunod narin sa kanya ang iba nming mga Kasama.
"aalis na Tayo!mamaya niyo na itoloy Yung date niyo!"
mark shouted.
"cge na .uuwi na Kasi Tayo eh."
Sabi ko Naman pagbabasag Ng aming katahimikan .ayoko ding magtagal pa Kasi baka diko kayanin at baka masaktan kami sa isat isa kung ano man Ang nails naming sabihin.
"cge ,next time nalang cguro."
"oum.una nako..."
"cge.susunod nako.."
nadatnan ko Ang mga iba na nagliligpit na kaya nakitulong narin Ako para matapos agad.tahimik lang Ako habang nililigpit Ang mga natirang pagkain Ng sabay sabay na nagtanong Ang mga Kasama naming babae.cguro ay hinintay muna nilang makaalis ang mga lalaki para makapagtanong sila sakin.
"hoy!kwento ka nman..."
"oo nga !ano Sabi ?"
"kayo naba?"
"anong update?"
sabay sabay na tanong nila habang Ako ay napapanganga na di alam ang isa sagot kasi wala namang pag uusap na naganap.
"Wala kaming pinag usapan...tiyaka Wala namang kami.."
"weh!Yung totoo?"
"oo nga !magkaibigan kmi ni James."
pagdedepensa ko.
"magkaibigan lng ba kung hinalikan ka!"
diko alam kung ano isa sagot ko.nanatili akong tulala at di na umimik pa.ang iba nman ay di na ulit nagtanong pa.
nang matapos kaming maglinis at magligpit ay inilabas na nmin ang mga gamit .
malapit na kmi sa kotse Ng marinig nmin Ang mga lalaki na nag uusap .dahan dahan kming lumapit at pinakinggan Ang pinag uusapan.
" bat hindi ka nalang kasi umamin.."
pagtatanong ni Karlo kay james.nanatili kaming tahimik dahil gusto kong marinig kung ano ang sasabihin ni James.
"kinakabahan pa ko eh..."
(kinakabahan?saan naman siya kakabahan?)pagtatanong ko sa isip ko ng magulat kami sa sigaw ni honey na papalapit din .kumaripas kami ng ayos at nagkunwari na kakarating lang namin.
"wala.binuhat Namin Yung mga gamit iniwan niyo kasi .."
pag iiba namin ng topic para di mahalata.naglabasan naman na sina James.kami naman ay dali daling pumasok sa kotse.pero Ang kaso di kami kasya kaya nagdecide kami kung sino Ang makikisakay sa motor .
"oh ano baba na kayo jan.sakay nalang kayo sa motor."
utos ni Karlo na siyang may ari ng kotse.
"ano si James daw .makisabay kayo Jan .Yung isa jan"
pagbibiro nila ,alam kong ako ang tinutukoy nila pero ayoko Kong sumabay sa kanya.nanatili akong nakaupo at tahimik lang habang pinapakingan sila.
pero kala unan ay napag desisyonan nila na ihatid ako ni Karlo at yung iba Kay James.hindi ako pinilit ni Karlo marahil alam niya kung bakit at nauunawaan Ang sitwasyon namin.nagpaalam na kami sa isat isa dahil ito ang huling pagkikita nmin dahil bakasyon na namin at mukang tatlong linggo na naman kming di magkikita.naging tahimik Ang buong biyahe namin walang gustong umimik Wala rin atang gumagalaw ,the noise is killing me I can't help but to talk.and I feel like breaking the silence.
" saan tayo ngayon?"
pagtatanong ko.
"Wala na .uuwi muna Ako."
sagot namn ni Karlo.
"ah ok .cge hatid mo nalang ako sa boarding ko.salamat"
actually ayoko pa umuwi ,bored ako at mas lalong boring sa boarding.kaya gusto ko pa manatili sa labas at higit sa lahat wala din nman akong mapupuntahan ngayong linggo ,magkukulong lang Ako habang Sila ay may kanya kanyang lakad kaya naglulungkot na nman ako.sa dami Ng iniisip ko ay diko namalayan na nasa tapat na pala kmi ng boarding.at kung di pako niyugyug ni honey na nakapagpabalik sa wisyo ko ay di ako matatauhan.
"nandito kana.."
"ah oo nga ...cge bye ! salamat sa inyo"
pagpapaalam ko at bumaba na ako.hinintay ko na mawala Ang pigura ng sasakyan bago ako pumasok sa boarding.
haysst mag isa na nman ako pero kailangan ko masanay eh.malungkot pero kailangan kayanin isa pa si James na nagpapabagabag at nagpapalito sakin.ayoko Sana isipin pero kusa siyang sumasagi sa isip ko.may mga tanong na diko mabigyan ng sagot.
ano ba nararamdaman niya sakin?
may feelings na ba ako?
paano na ang nabuo naming friendship?
ano ang magiging tungo namin sa isat isa ?magtatapos naba ang pagkakaibigan nmin?
Wala akong alam na sagot kaya gulong gulo ako...
pero Sana magkaroon na ng sagot para di na kmi mahirapan pa .
Hanggang sa muli ...abangan