Ading 5

1426 Words
Ading's POV Hello! Let me first Introduce myself before I state something which is not related and relevant to our topic. Chaerot! Pinagsasabi ko? HAHAHAH! So, eto na nga. Hi mga Sesae? Kamusta naman ang buhay natin dyan? I would like you to know that my name is Ading Waling na may kuliling at tililing. HAHAHA! Eme! I am Jhon Mark Ading Tagahvondok. I don't wanna state here my age for my safety and credentials. Eme! I'm not so sure if my English is correct even so, I'll still push it so, please bear with me because I am just an elementary student and not professional yet. Grade 6 palang ako.  At the end, let us all just be happy and enjoy our existence. Gaenern! To tell you that truth, hindi ko talaga kinaya yung Jhon Mark e. Sila Nanae kasi ayan pa binigay sa akin, lalaking lalaki ang datingan hano? Pero keri rin naman na pala at least may pangalan at mas maganda pa sa pandinig 'tong pangalan ko kumpara kay Ati kong tutuusin. HAHAHA! This time I am on my way to School. Just currently walking. Gusto nyo ba akong sabayan? Kasi I am all alone. This is my everyday way to be able to get to School. I cannot afford to pay tricycle no, kaya lakad lakad nalang at least, at the same time you exercise your body for Physical Health. Ganon! Kaya sometimes, gayahin nyo nalang ako. Do you know that by merely walking we can help to ease air pollution? Yes, parang alternatives na din para mabawasan yung mga usok coming from mga saksakyan. Kung malapit lang naman adi walk walk nalang. Ay, ay wait lang may pusale, mga Sesae! Ayokong matalsikan yung uniform ko, muntik ko ng hindi mapansin sa sobrang daldal ko. HAHAH! Ang baho non, kapag nagkataon. At ang hirap hirap paputiin ng uniform ko tapos ay mapuputikan lang ng ganon ganon. Kagigil! HAHAHA. Puro ugat na nga ang mga kamay ni Ati kakalaba. Charetttt! Gigilid muna ako saglit mga Sesae may tricycle na dadaan ayokong masagasaan waing arung pampagamot. Kawawa naman si Ate hirap na hirap na siya. TRUEEEE 'yan! Speaking of my Ate, how is He doing na kaya? Humihinga pa kaya siya ngayong mga oras na ito? Joke lungs. HAHAH! Parang ang hard ko doon. Father God please, always guide my Ate. Super bait nyang Ati dahil isinakripisyo nya ang pag-aaral nya upang ako yung makapag-aral at makamit ko yung pangarap na gusto ko.  Maaga kasing nawala dito sila Nanae e kaya simula noon ay siya na yung tumayong mga magulang ko. By the way, ang layo pa ng lalakarin ko Jusko. Super pagod na ako, kaya sa tuwing makakarating ako sa school e amoy paksiw  ako. HAHAH Eme! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng super todo and suddenly hindi ko namalayan na I am here naaa! Hi to my Dearest School! It's name is Donasion ng Govierno Elementary School. Gensae ng name no? Naloka ba kayo? HAHAH! Pinagawa kasi ito ng aming kurakot maybe na mayor in his 6 years na naka'upo sa puwesto bilang isang Alkalde ng bayan. Ito palang ata sa tingin ko ang napagawa nya. Naku, bahala na siya dyan, at least kahit ganon, we are still have a chance to study freely. "Good morning kuyang Taga-bantay!" Ubod ng siglang pagbati ko kay kuyang taga-bantay ng school namin nang makarating ako sa mismong gate nito. Siya na rin ata ang nagsisilbing guard namin dito sa School. Kahit ganito lang yung school namin mayroon pa din kaming taga-bantay no! Government ata ang nagpapasahod sa kanya. I can say naman na safe kami here kasi since nung pumasok ako dito, sa awa naman ng Diyos ay wala pa akong nae-encounter na kahit anong kapahamakan. OMG! Nawala sa isip ko, ngayon nga pala namin itatanghal yung Reverse Poetry na ginawa namin. Bakit ngayon ko lang naalala kung kailan isang hakbang nalang e, nasa room na ako. Hays! Pero go lang. Tapos sa isang buwan yung tula naman naka'depende daw sa amin yung magiging tema so I think LGBT yung magiging theme nung poetry ko especially, gays. Grade six palang kami pero parang high school na ang mga requirements. Kaming top 5 nga lang pala ang magpe'perform ngayon. So dahil top 1 ako kaya dapat super kabog nung sa akin. HEHE! Tumigil muna ako pansamantala sa isang upuan upang tignan sa aking bag ang ginawang kong Reverse Poetry. Reverse poetry- is a poem that can be read forwards (top to bottom) and have one meaning, but can also be read backwards (bottom to top) and have a different or opposite meaning. The structure of reverse poems is usually the same. -William Annin, Middle School. Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad nang mai'check ko na nandito ito sa aking bag hanggang tuluyan akong makarating sa classroom. "Good morning po Ma'am!" Pagbati ko sa aming guro na kasalukyan nag'checheck ng attendance. Natigilan ito saglit sa ginawa nya. Lumingon sa direksyon ko at syaka nagsalita, "Oh himala, bakit late ka ngayon Ading?" Tanong nito. "Sorry ma'am. Super traffic po kasi e." "Ah. Bakit may dala ka bang sasakyan o nag'tricycle ka ba?" "Wala po at hindi po, Hehe!" "Eh kung sa ganon paanong nangyari na na'traffic ka?" Dami namang tanong ni Ma'am e kung ipakain ko sa kanya yung hamak nyang panulat? EME! HAHAH! "Wala lang po Ma'am. Charot ko lang po iyon. Sornae na po, naloka kasi ako sa paglalakad e. Ang layo po kasi ng bahay namin. Sight nyo po yung pes ko super haggard na. Hays! Nekekeesher! Hindi na po mauulit. Promise!" Pangangatuwiran ko habang nagkukunwari na nagpupunas ng pawis sa aking mukha upang sa gayon ay maging kapanipaniwala ito. Yung mga classmates ko ayon, super tawa sa dahilan ko. HAHAH! "Okay. Mainam at tamang tama na nandito kana dahil ikaw ang unang magpe'perform ng iyong RP." "Huh po!?" Medyo napasigaw kong tanong kay Ma'am. Surprise lang ganon? "Anong Ha? Sige na at pumunta ka na sa harapan para makapagsimula ka na." "Wait lang Ma'am, ibababa ko lang po yung bag ko." Sumang'ayon na ako at dumiresto muna saglit sa aking upuan upang ibaba ang aking bag at nag'ayos ng kaunti bago tuluyang tumungo sa harapan. Kahit medyo super kinakabahan ako wala na akong magagawa kung ako ang una dahil in the first place gusto ko rin naman 'to no! Nagpapabebe lang ako kanina. HAHAHAH! "Okay class bigyan siya ng masigabong palakpakan." Naka'ngiting sabi ni Ma'am sa buong klase bago ako magsimula. So eto na. Nang madaraman kong ready na ako nagsimula na din ako. PAGMAMAHALAN Tama na -Ayan nag-start na ako with full emotions and facial expressions. Tahimik muna ako hanggang sa matapos ko ito. Just listen guys. Muahs! Wala ka nang dapat patunayan Dahil sa una palang Ang isang tulad mo ay malaking kasinungalingan Mahal, nagkakamali ka kung iniisip mo na Hindi kita iiwan Isang lang 'yong kahibangan Kaya tanggapin nalang natin ang katotohanan na Walang kang mapapala sa 'yong pagsisikap Hindi totoong Magiging susi ang Pagmamahalan para tayo'y mabuhay Dahil Walang panama ang pagmamahal pag dating sa kagutuman Hindi totoong Maraming nagbago Sa mga sinabi mo Dahil Walang kapangyarihan ang mga salita mo Mahal, nagkakamali ka kung iniisip mo na Magiging solusyon ang Pagmamahalan. Makakamtan natin ang tunay na kaligayahan Kung tayo ay mag'uunawaan at magmamahalan Kaya huwag kang maniwala sa mga sinasabi ng iba Hindi tayo liligaya Mahal, nagkakamali ka kung iniisip mo na Mapapatawad pa kita. Dahil sa totoo lang Biglang bumalik ang pagmamahal Nang pumasok sa aking isipan ang mga katagang ito Mahal kita kahit ano ka pa Mahal kita kahit maging sino ka man Mahal na mahal kita dahil totoo ka sa lahat ng bagay Ang pagmamahal ang susi para makamit ang tunay na kaligayahan. Muling Basahin Paitaas.☝ Ayan finally at natapos na rin ako. I made it sure that in every lines that throw and say, the emotions and feelings of a piece are in there. That Eye to Eye thing. That just be calm and enjoy the performance. I applied everything. Masaya ako na nag'enjoy ang mga classmates ko sa performance ko dahil sa masigabong hiyaw at palakpakan na natanggap ko. "Ang galing Mark. Keep it up!" Pagbati ni Ma'am sa akin habang nakangiti. That smile, na parang satisfied and nag'enjoy. Ang galing ko kasi. HEHEH' "Ay iba den ang galing ni Mark oh!" Kansyaw ng mga classmates ko sa akin. Nagperform na din ang lahat hindi lang kaming Top Five kaya medyo tanghali na rin kaming natapos. "Magaling Class at hindi nyo ako binigo! I enjoyed all the performances. At dahil dyan next week na ang deadline nung isa ninyong performance. Oh sige maaari na kayong magsiuwi at halfday lamang tayo ngayon. Dumiretso na sa bahay at magpahinga." -Si Ma'am. Hays wakas matutulungan ko na ulit si Ati. So, dahil dyan uuwi na ako at hahanapin ko na rin si Ati para matulungan ko na nga siyaaa! Hereeeee I goooooo!!!! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD