Lawina's POV Grrrrrrrr!!!!!!! Buwisit! Nakakaasar yung mga baklang epal ng taon! Yung Paru-Paro at yung kamukha ni Darna! Saan sila nanggaling? At bakit may mga kapangyarihan din sila? Kailangan pa namin ng mas malakas na kapangyarihan upang sa gayon ay mas lumakas pa ang aming ina na si Panghiebekay. Reyna ng mga taong ibon, dito sa bundok Malagae. Kakailanganin niya nga mga lakas ng mga kalalakihan upang sa gayon ay manumbalik ang kanya buong lakas. Ang aming ina ay hindi babae, kung hindi isa rin siyang bakla. Nagmula siya sa kaitaasan at dati siyang prinsesa ng mga kabaklaan sa kaharian ng Ingeynasyon. Subali't sila ay nag-away ng kanyang kapatid na si Dyosavela. Ang reyna ng mga kabaklaan dahilan kaya ipinatapon siya dito. Mga simpleng tao lang kaming magkakapatid noong una. Hab

