Shandra's POV "Tandaan mo Mahal na Prinsesa, pagdating ng tamang panahon papasok ka sa palasyo ng Imperyo. Maaring ikaw ang mapili para maging Empress. " "Bakit po?" "Para mapangalagaan ang kaharian at ang mga mamamayan, kamahalan. Yun ang tungkulin mo, ng Ate at Kuya mo, ang protekhanan mula sa nagtatangka ng masama ang bayan natin. Hindi ba ayaw mong makakakita na may nahihirapan na mamamayan natin?" "Opo, nais ko po na mananatiling nasa maayos na kalagayan ang iyong nasasakupan, Ojiisan." "Tama yan, kamahalan. Pagtuntung mo sa tamang gulang, hindi ka maaring umibig sa iba maliban sa Prinsipe ng Imperyo. Naintindihan mo, Mahal na Prinsesa? Bawal kang umibig sa iba." Biglang umilaw sa aking isip ang mga sinabi ni Ojiisan. Ang paalala niya sa akin bago kami umakyat ng bundok ni Zande

