Yana's POV
Halos lahat nakatanga pa rin kahit malayo na si Chase habang buhat si Shan, dahil yun sa scene na nangyari kani-kanina lang. Maliban kay Haven na cool na cool pa rin, pinagtawanan kasi ako kanina, at sa DK, halos lahat pareho ng reaksyon, gulat na gulat.
Almost everyone knows about Chase is looking for Snow Flash. Then he suddenly shows interest to a girl with glasses and the hair is always rolled up, if not, it's in a ponytail. Kahit maayos magdala ng uniform, all in all may pagka-geek pa rin ang tingin sa kanya ng nakakarami. Hindi kasi siya mahilig mag-ayos kapag pumapasok, simpleng-simple lang ang dating pero in fairness lutang pa rin ang ganda. Because of her simple getup and simplicity in general, she wasn't noticed by anybody which is what she wanted in the first place. Kaya para sa karamihan napakalaki ng lamang nila kay Shandra, pero sa kanya nagpakita ng interes ang tinuturing na hari ng school na ito.
Ang usapan na umiikot sa buong quadrangle ay tungkol lang kina Chase and Shandra. Iba na nga ang tingin ni Haven doon sa mga babaeng nagchismisan sa may tabi namin. Ilang segundo na lang at bubuga na ito ng apoy. Pero bago pa nangyari yun may nagsalita na sa harap, mukhang sasabihin na nila ang tungkol sa announcement.
"Good morning everyone, before we tell you about that announcement, who's wanna see the Campus Ladies dancin'?"
Naghiyawan ang iba, mostly guys. Kapag sinabing Dark Knights nagtitilian ang mga babae. Kapag Campus Ladies it's time na guys naman ang magkagulo.
"Sila na naman? Nakakasawa na kaya, kahit sabihin natin na talagang magaling sila sumayaw, crush ng campus at pawang magaganda kaso akala mo naman kung sino. Dahil ba ganun, magrey-reyna reynahan na sila dito? At saka, dahil ba sikat feelingera na?" himutok ni Ember.
"Baka naman inggit ka lang friendship, kasi tayo, invisible. Gusto mo gawa tayo ng banda? Si Haven gawin nating vocalist," nang-aasar na sabi ni Lei.
"Tumahimik ka Lei, kung gusto niyong sumikat at pagka-guluhan, kayo na lang. Wag na wag na wag niyo akong idadamay." nakasimangot na sagot ni Haven kay Lei.
"Maka-wag Ve, wagas?" singit ko sa asaran nila.
Ang Dark Knights nga pala minus Chase ay nandito pa rin sa tabi namin. Itong isa naka-akbay sa akin, mamaya isipin ni Vash na ang bata ko pa at kailangang bantayan ng kapatid.
Tatanungin ko sana si Josh about sa nangyari kanina ng mapadaan sa may kinatatayuan namin ang Pres. Kasama niya ang VP at iba pa niyang kaibigan na kung tawagin minsan nina Josh na mga galamay daw ng Pres. Akala ko didiretso sila, pero lumapit pa sila sa amin. Hay, magsisimula na naman po sila. Ewan ko sa dalawang grupong ito, bakit kaya hindi sila magkasundo?
"Anong kaguluhan ang nangyari dito kani-kanina lang? Balita ko na-sprain daw ang paa ng isang transferee dahil sa inyo?" tanong agad ni Pres pagkalapit niya.
Nakaharap sina Haven sa make shift stage kaya sure ako na di niya nakita sina Pres. Nang nagsalita si Pres naramdaman kong biglang nag-stiff si Haven, nasa harapan ko siya kaya agad kung napansin yun. Hindi siya lumingon pero alam ko na aware siya sa mga taong lumapit sa amin. Parang kilala niya si Pres, hindi lang basta kilala kundi kilalang-kilala. Kung may something kay Shandra at Chase mukhang may issue din sina Haven at Pres.
"Hindi pa ba kayo sanay Pres? Lagi namang nagkakagulo ang lahat pag nakikita nila kami ah. Tsk, ang gwapo kasi namin, di ba?" nang-aasar na sagot ni Ash.
Itong si Ash talaga sinasabi ang lahat ng gustong sabihin, mamaya magka-initan na sila. Alam ko pa naman ang ugali ng mga ito pati na din ugali nila Pres. Tumatambay sila sa bahay, dahil kaibigan nila ang kambal ko. Kaya nakita ko na ang mga kalokohan nila at naranasan ko na rin kung paano nila asarin. Pero sa lahat ng yun minsan lang sumasali si Vash. Mas gusto kasi niyang maupo o mahiga nalang at maglakbay sa dreamland na siya lang naman ang nakakarating, sana minsan isama niya ako doon.
"Oo nga naman bro, talaga namang nagkakagulo ang lahat pag andyan sila. Sa tingin ko wala tayong magagawa dun, basta ba hindi lang sila lalabag sa rules wala tayong problema," sabi ni VP kay Pres.
"Asan na yung babaeng na-sprain ang paa?" tanong ni Pres pagkatapos magbuntung-hininga dahil sa sinabi sa kanya ni VP.
"Don't worry Pres, Chase brings her to the clinic. Excuse naman sila di ba? Kami ang may kasalanan kaya si Chase na ang nagdala sa clinic," seryosong sabi ni Xanthel.
"Oh! Sure, as long as nasa clinic nga sila. I'll check it later," kibit-balikat na sagot ni Pres kay Xanthel sabay talikod. Pupunta na ata sila sa make shift stage.
Pagkatapos sumayaw ng Campus Ladies umakyat na si Pres sa make shift stage, sasabihin niya na siguro ang announcement.
"Good morning fellow students, we call all of you here it's because of our upcoming event. We will be having an acquaintance party by the end of this month. All freshmen and transferees are required to attend. The ones who's been here since last year or from the start are not really required, it's your choice. I'll get the list of all freshmen and transferees a week before the event, and the registration for those who want to attend. On that day, we don't have classes, so, everyone is allowed to wear a civilian. On the night of the party, all girls are required to wear cocktail dresses or gowns. Boys are required to wear formal attire. The party will be held here in our school, that's all."
"Yes Pres, naintindihan po namin," sigawan ng mga freshmen.
Tumakhim muna ang inabutan ni Pres ng mike bago nagsalita, "Pahabol lang, nakalimutang sabihin ni Pres, tutugtog nga pala ang M6 band, kilala n'yo ba sila? Well, kung kilala n'yo man sila o hindi, you better watch them. That's all everyone, pwede na kayong bumalik sa classroom," pagtatapos ng isang member ng Student Council.
Habang pabalik na kami sa classroom, hinila ko si Haven at nagpa-huli kami sa paglalakad. Okay lang naman kina Lei at Ember kasama kasi naming naglalakad pabalik ng classroom ang Dark Knights.
"Teka lang Yana, bakit mo ba ako hinila? Sorry na kung tungkol ito sa nangyari kanina, nakakatawa ka kasi eh," impit na tawa niya.
"Oo nga pala, pero saka natin yun pag-usapan kapag nandito na si Shandra," tiningnan ko siya ng maigi sa mata niya at tinanong. "Kilala mo ba si Pres?"
She laugh, "Yana naman, ayos ka lang ba? Of course, his name is Laxus Nathan Harland, wala naman sigurong nag-aaral dito na hindi siya kilala, di ba? After all, he's the President of this school. Saka isa din siya sa mga tinitilian ng mga babae dito kasama yung mga barkada din niya, they're next to Dark Knights," mahabang paliwanag niya.
"You know that's not what I mean Haven. Kanina kahit nakatalikod ka, ng magsalita si Pres, I see and feel that you stiffened. As if boses pa lang alam mo, kilala mo na agad kung sino ang nagsalita, without turning," sabi ko sa kanya na hindi hinihiwalayan ng tingin
"Anu ba yang sinasabi mo, Yana?" kunot-noong tanong niya. "That's not true, nagulat lang ako at lumapit sa pwesto natin sina Pres at hindi pala sila in good terms ng Dark Knights."
"I seldom wrong in my hunch Ve, but for now, sige, hahayaan kitang manahimik. Hihintayin ko na lang ang time na handa ka nang nagsalita tungkol sa bagay na yan. Pakiramdam ko kasi may kinalaman ang kung ano man ang nangyari dati sa pinapakita mo ngayon," seryosong sabi ko sa kanya. Handa naman kaming damayan at tanggapin siya kahit ano man ang nakaraan niya.
"Yana," naka-yukong sabi ni Haven at bigla nalang niya along niyakap ng mahigpit. "Maraming salamat, paghanda na ako sasabihin ko din sa inyo."
Naramdaman kung nabasa yung balikat ko. It's tears, umiiyak si Haven habang nakayakap sa akin. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang lahat ng luha, hinanakit at lungkot niya. Nang sa wakas tumigil siya sa pag-iyak, ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi umabot sa mata niya, puno ng lungkot at sakit.
"Maraming salamat Yana, ayos na ako. Daan lang muna tayong restroom bago bumalik sa classroom, magre-retouch lang ako," nakangiti ng pilit na sabi niya.
"Sure ka na ayos ka na?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Uhmm," tumango siya at ngumiti ng malungkot. "Tara na."
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Nandito lang kami Ve, tandaan mo lagi yan. Hindi ka nag-iisa, kaming mga kaibigan mo handa kang damayan anumang oras."
"Alam ko yun Yana, alam ko. Nang makilala ko kayo at makasama, naramdaman ko na mga totoong kaibigan kayo, kahit nagtataray ako minsan. Tama na nga ang drama, yan late na tuloy tayo," sabi niya ng pagtingin niya sa relo niya ay 30 minutes nalang at break time na pala.
"Oo nga no? Edi sa canteen na tayo tumuloy, pupunta din naman ata sila dun." Hinila ko na sa papuntang canteen ng maalala ko si Shan. "Teka, nasa clinic nga pala si Shan, tingnan na muna natin?" Hinila ko na siya ulit, papuntang clinic this time. Hindi na nga kami nakadaan sa restroom, hindi naman siya nagreklamo kaya diretso lang din akong clinic. Baka dun nalang siya magre-retouch.
Third Person's POV
(try lang to kung kaya ko bang gamitin )
Hindi alam nina Haven na may mga mata palang nakatingin sa kanila or let say sa kanya. Simula ng umalis sila ng quadrangle sinundan na sila ng taong yun. Nakita nito ang pag-iyak ni Haven. That person really wants to wipe the tears flowing in her face. But that person knows it's impossible, dahil wala siyang karapatan na gawin ang bagay na iyon.
"Hanggang kailan mo siya titingnan mula sa malayo, bro?" tanong ng isa niyang kaibigan.
"Alam mo bro, kung sa pagbalik ng dalawa at ganyan pa rin ang ginagawa mo, hindi ka lang sesermunan nun kundi babatukan pa," dagdag ng isa pa niyang kaibigan.
"This is not the right time for that, besides, I'm not yet ready to face her after what happened back then," sagot niya sa mga kaibigan niya.
"Kung ganun ayus lang sayo na makita siyang nasasaktan at hindi mo man lang madamayan?"
"Matagal na ang pangyayaring yun bro, baka kapag nagpakita ka na ay magawa ka rin niyang patawarin. Besides, misunderstanding lang naman ang nangyari, di ba? Try to explain to her."
"I don't know where to start. You know her. Alam niyo kung gaano katigas ang ulo ng babaeng yan. I don't think she will listen to me this time too."
Yan ang usapan ng tatlong magkakaibigan, obviously si Haven ang pinag-usapan nila. Maraming beses na din niya kasing tinangka na kausapin si Haven, pero ayaw naman makinig ng huli at iniiwasan lang siya nito.
Matagal na din niyang binabantayan si Haven mula sa malayo. Para sa kanya sapat na ang ligtas ito sa panganib at maayos na namumuhay kahit pa nag-iisa nalang ito.
Napabuntong-hininga siya, pinuno ng hangin ang dibdib. Minsan iinisip niyang sumuko na lang at tanggapin na hindi na siya mapapatawad pa ni Haven. Pero hindi niya magawa, dahil hindi yun matanggap ng puso niya. Patuloy pa ring umaasa ang puso niya na darating ang araw na mapatawad din siya nito. At kapag darating ang araw na yun siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
"She's gone bro, let's go back to our room. Tama na muna ang pangangarap mo ng gising. Hanggang jan ka lang naman eh," nang-aasar na sabi ng kaibigan niya sa kanya.
"Hay naku bro, kung ganyan ka lang lagi, I'm sure mauunahan ka ng iba. As you can see mukhang napapalapit na siya sa Dark Knights. Sige ka," takot naman ng isa sa kanya.
They're right, paano nga kung mahulog siya sa isa sa Dark Knights? I don't see anyone who can resist their charms. With that thoughts, I made up my mind. I will barge her life again. I won't let her fall to the charms of the Dark Knight, I will do everything to make her fall in love with me. I'm the right guy for her, I branded her back then. She's mine and mine alone.
I love you so much, Haven Grace Salviejo. And in no time you will be back in my arms.
Pangako niya sa sarili bago pa man mawala sa kanyang paningin si Haven. Umalis na sila sa lugar na iyon, at mula sa araw na yun gagawin na niya ang nararapat at ang lahat para bumalik lang sa kanya ang babaeng minmahal.