ALESSANDRA Hindi ko maiwasang maawa kay Mr. Manalaysay, ngunit may nagawa siyang mali na dapat niyang pagdusahan. Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Panay ang daldal ng dating asawa ni Tristan. Kung ano-ano lang naman at hindi naman importante. “Mabuti naman pinaalis mo ang lalaking iyon. Matagal ka na pala niyang niloloko ng lalaking iyon. Bakit ngayon mo lang nalaman? Dapat nagba-background check ka sa mga tauhan mo. Malay mo hindi lang siya ang may ginagawang kabulastugan sa company mo. Masyado ka kasing mabait at madali kang magtiwala sa mga taong akala mo ay katiwa-tiwala,” sabi niya at sabay tingin sa akin. Ako ba ang pinariringgan niya? Parang sa akin patama ang mga salita niya? Hindi ko alam kung ano’ng problema niya sa akin? Kung iniisip niyang may relasyon kami ng asawa n

