PHILIPPE Parang slow-motion ang paglingon ni Alessandra nang tinawag ko siya. She’s so beautiful. I really like her lips and her mesmerizing eyes na nagustuhan ko nang una ko siyang makita noong unang tumapak ako sa kompanya ni Daddy. Hindi ko makakalimutan kung paano ako magselos sa mga lalaking bumabati sa kanya. Hindi ko nga naintindihan ang sarili ko noon dahil nakaramdam ako ng pagseselos gayong kakakilala ko lang naman sa kanya. Iyon yata ang tinatawag na love at first sight. In denial pa ako noon dahil ayokong ako ang unang magkakagusto sa babae. Gusto kong sila ang magkagusto sa akin. Mataas ang tingin ko sa sarili ko noon.I want a woman who will surrender to me, yearning for my affection. Ngunit iba si Alessandra sa mga babae. She completely ignores me at that moment, and it d

