PHILIPPE Napatitig ako sa magandang mukha ng asawa ko. Napakaamo ng mukha niya. Nakatulog si Alessandra habang nagkukwento ako sa kanya. Banayad kong hinaplos ang kanyang pisngi. May pag-iingat ang ginawa ko upang hindi siya magising. Napatitig ako sa labi niyang kinababaliwan ko. Noong una ko siyang nakita sa opisina ni Daddy doon ako napatitig ng todo. Humanga ako dahil simple ang kanyang ganda. Gustong-gusto ko ang mapupulang labi niya. Naalala ko kung paano ako makaramdam ng selos sa mga lalaking bumabati sa kanya. Nakakapagtakang naramdaman ko ang pagseselos. Hindi pa naman kami magkakilala noon. Mataas ang tingin ko sa sarili ko noon kaya imbes na aminin ang nararamdaman ko para sa kanya ay sinunsungitan ko siya. I am so lucky dahil siya ang pinili at minahal ng puso ko. Napaka

