ALESSANDRA Lumabas ako ng kwarto namin at nagpunta sa kusina upang magluto nang biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng damit ko. Nang tingnan ko ay si Gabriel ang tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag. “Kumusta ka na Gabriel?” Tanong ko sa kanya. “Alessandra, ako na ang susundo sa iyo pabalik sa bahay.” Presinta ni Gabriel. Napakabuting tao ni Gabriel. Hindi man kami nagkakasama ng matagal, pero sobrang concern niya sa akin at sa mga anak ko. Hindi ko maiwasang humanga sa kabutihang loob na pinatuloy niya kami sa kaniyang bahay ng walang alinlangan. “Huwag na Gabriel, baka maabala pa kita. Alam kong marami kang gawain sa company mo. Malayo rin itong bahay ni Philippe at ma-traffic ka pa. May sasakyan naman ako.” Turan ko. Nakakahiya na sa kanya. “Hindi ka nakakaabala sa

