ALESSANDRA Habang nasa loob kami ng sasakyan ay nakatingin lang sa akin si Tristan. Hindi pa niya in-start ang engine ng sasakyan niya. Malalim na buntonghininga ang naririnig ko sa kanya. Alam kong nag-aalala siya sa akin. “Tell me Alessandra, hahayaan mo bang ganyan ang sitwasyon ni Philippe? I know I consider his situation, but hindi tamang ilihim mo ang relasyon ninyong dalawa. Maling magpanggap kang empleyado niya at ibang tao. Nakita ko ang kasama niyang babae at mukhang hindi kaibigan lang ang tingin ng babae kay Philippe. I know how she look Philippe in the eyes. Huwag mong saktan ang sarili mo, Alessandra. It’s too much for you to feel the pain again.” Sa sinabing iyon ni Tristan ay hindi ko maiwasang maluha. Alam kong sobrang bait ko pagdating kay Philippe kaya nga nasasabih

