Alex's POV
Isa sa pinaka-kilalang himpilan ng pulisya ang Taguig City Police Department. Ito rin ang may pinakamalawak na sakop at gusali sa Metro Manila.
Isa ako sa mga pinalad na idinestino rito at ngayon ay may mataas ng tungkulin.
Isa ito sa mga pangarap ko noon.
"Good morning, chief!"
Tumango ako sa mga bumabati't nagbigay pugay.
"Good morning, gentlemen!"
Tuloy-tuloy ang aking lakad at inakyat ang palapag ng aking departamento.
Alas-sais dos ang sabi ng aking orasang pambisig.
"Chief!" Agad na sumaludo ang aking grupo.
"Good morning, gentlemen! Ngayong araw natin simulan ang paghahanap sa taong nasa likod ng mga nangyayaring krimen ngayon. Kailangan nating kumilos sa madaling panahon."
"Chief, sinubukan naming i-trace ang sender gamit ang IP address." Si Salvador ang unang nagpahayag.
"Sinubukan rin naming i-trace ang pwedeng footage na lumabas kahapon pero puro dead end." Ani Diaz na napailing.
"Napaka-anonymous ng taong ito at para tayong naghahanap ng isang alikabok sa hangin." Si Ramos na napa-tsk.
Expected ang hindi magandang resulta ng paghahanap ng mga ito dahil nagsi-simula pa lamang sila. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Pero sa tingin ko mahirap na kaso ito.
"Nasaan na ang pinakuha ko sa inyo kahapon?"
Agad naman itong iniabot ni Diaz. Mga litrato ito na siyang lumabas sa media alas-diyes kahapon na kumuha ng maraming atensyon sa madla at hanggang ngayon ay mainit parin sa balita.
Pinag-uusapan namin ang nasa litrato ng may kumatok na nagpatigil sa masinsinang usapan.
Iniluwa nito ang isang batang pulis na si Zamora. Bigla itong sumeryoso at tumuwid at sumaludo.
"Sir Brillantes, may bisita po kayo."
At ngumiti ito ng abot tenga.
Napakunot ang noo ko dahil wala namang ibang tao ang nakakaalam na andito ako sa opisina ngayon. Hindi rin mangyayaring ang mga magulang ko ito.
Isa ba sa babae naming superyor? Pero, bakit ganito umakto itong batang ito kung superyor nga namin ang kasama nito?
"Nakita ko lang po siya sa labas nitong pintuan, chief at nag-aalinlangang pumasok." At bakit ito ngiti ng ngiti?
"Baka isa sa mga chicks mo, chief!"
"Sandra..."
"Ana.."
Kantyaw nga mga kasama.
Andito ba ang kapatid ko?
"Stop beating around the bush, Zamora. Who's the unexpected visitor?" Kalmado kong tanong. Medyo naiirita na ako at nasasayang ang oras.
"Ma'am, pasok na raw po kayo." Magalang nitong sabi sa bisita.
Kilala ko ang kapatid ko kaya hindi maaaring si Sandy ito na agad na nagmamartsa sa loob ng may malaking ngiti.
"Alis na po ako, chief saka mga sir. Good day to you, ma'am."
Hindi ko parin makita ang tinatawag nitong ma'am.
Nag-aantay naman kami sa pagpasok ng unexpected na bisita at unexpected talaga dahil di ko mapigilang di matulala.
"Hi." Mahinhin nitong bati at inilibot ang mga mata sa mga taong andito sa loob.
"Good morning, ma'am! How may I help you?" Agad na lapit ni Ramos at abot tenga itong hinarap ang dalaga.
Tinitigan lang ito ng dalaga.
"Chief..."
Bigla akong napaigtad ng may sumipol na Salvador.
"Hi, miss...ahm...ako pala si Dave Ramos ang pinakagwapo sa grupo, pinakamakisig at pinakabata."
Napakamot pa ito sa batok bago naglahad ng kamay.
"Alexis."
Kumunot ang noo ng binata at lumingon sa aking kinatatayuan. Ngunit agad nitong ibinalik ang tingin sa dalaga ng tinanggap nito ang pakikipagkamay.
"Chief, kambal ...?"
Agad akong lumapit at tinanggal ang kamay ni Ramos.
"Why are you here?" Nabigla ako sa tono ng pagsasalita ko.
"Bawal bang bumisita?" Kumindat ito at ngumiti.
At bakit siya ngumingiti ngayon?!!!
God! Pwedeng isang ngiti pa???
"Hi, gentlemen! Ako pala si Alexis, kaibigan ni Alex."
Dahil sa pagkatulala ko ngayon ko lang namalayan na nakipagkamay na pala siya kina Diaz, Salvador at Santos.
"Ma'am Alexis, anghel po ba kayo?" Hirit ni Santos na nagpatawa sa dalaga.
"Opo sir. Paano nyo po nalaman agad?"
"Sobrang ganda nyo po kasi at mukha kayong anghel."
Nagtawanan silang lahat at di talaga ako makapaniwala.
"Magkaibigan po ba talaga kayo ni Chief, ma'am Alexis?" tanong ni Ramos. Napasuklay ang dalaga sa mahaba nitong buhok.
"Haha Bakit po?"
Lahat sila halos napa-wow at tinapunan ako ng tingin na nagsasabing "ba't di nyo naman nabanggit, chief? Totoo ba ito, chief?"
"Halos magka-pangalan lang po kasi kayo, ma'am. At pareho po kayong gwapo at maganda. Pwede pong kambal kayo."
Nagtawanan na naman sila at nakisabay lang naman ako sa tawanan. Ngunit bakit parang pagak ang tunog ng tawa ko? Dahil ba sa "we are friends" o "pwedeng kambal kayo"?
"Gentlemen, hiramin ko lang itong kaibigan ko."
Hinila ko na siya palabas hawak ang kanyang kamay.
Siya ang unang humila ng kamay na di ko namalayan na hawak ko pa pala kahit nakalabas na kami ng building.
"Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba pumunta dito?"
Bumuga muna ako ng hangin bago nagsalita. Habang siya, nakatungo lamang sa kanyang rubber shoes at bumubulong.
"Wala ka namang gagawin dito, Alexis. Kaya umuwi ka na."
We are friends my foot!
Napatingin naman siya sa akin ng panandalian saka tumango at dahan-dahang tumalikod at naglakad papunta sa puting kotse na dala niya ngayon.
"Tsk.. What should I do to you, baby?"
Sinundan ko siya at hinila ang kamay. Nakita ko siyang biglang napatulala kaya agad ko namang nabitawan.
Napatalikod ako at napakamot ng batok.
"Teka lang."
Nilingon ko siya ulit.
"Kakain muna tayo ng tanghalian bago ka umuwi."
Tumango naman ito. Kaya tumalikod ako ulit at naglakad.
"Sa opisina nyo tayo kakain?"
Natigil ako at nasapak ang sarili ko mentally. Ba't ba ang shunga ko ngayong araw?
"Ahh may kukunin lang sana ako sa opisina."
"Ahhh..."
Lumapit na ako sa kotse at pinagbuksan sya ng pintuan. Saka ako umikot at umupo sa driver's seat.
"Oh, akala ko may kukunin ka sa loob?"
"Ahh pagbalik ko na lang. Gutom na rin ako eh."
Binigyan ko siya ng ngiti at agad naman siyang umiwas ng tingin with her poker face.
"Okay."
***
I looked at her walking away.
Flashback*
Napunta kami sa isang classy na restaurant sa bandang Makati bandang alas sais.
She's choosing her order at the menu.
"What are you looking at?"
"I'm not looking at you." How could she know that i'm looking at her na hindi naman nya inaalis ang mga mata sa menu. She frowned and shot me a dead look.
"Akala ko isa kang vegetarian." Sabi ko ng dumating ang order namin.
"I'm not." Tipid nitong sagot.
Umorder kami ng steak, nilagang baka at ramen.
"Don't smile at me, Brillantes." She said coldly. Mas lalo akong napangiti dahil sa kakyutan nito habang kumakain. "You look like a fool."
"Fool?!" Napahalakhak ako. "Sa gwapo kong to, fool?!" She stared blankly na nagpatuyo ng lalamunan ko.
"Bakit ka nga ba pumunta sa opisina ko?" Ako lang ata nagdadal-dal dito.
"Bawal ba?" Aniya.
"Hindi naman. Masaya nga ako na nakapunta ka." I smiled.