Episode 10

1423 Words
Alex's POV Tahimik sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan pauwi. As usual naman itong atmospera kapag si Alexis ang kasama ko. "Gusto mo bang makinig ng kanta?" Pumalinlang ang isang kanta ni Jaya ng buksan ko ang radyo. Tumango lamang ito. "Alex?" Awtomatiko akong napalingon rito.  "Focus driving." Dagdag nito. Tamo ang isang to. Tatawag-tawagin ang pangalan ko tapos nagsusungit naman. "Bumalik ka na sa trabaho mo." Nilingon ko itong muli. Sinabihan na naman ako nitong mag pokus sa daan. "Ako na ang bahala kay Kuya." Dagdag nito. Tumikhim ako bago magsalita. "Nandun na ako, Lex. Hindi ko naman sila pinapabayaan." "Iba parin pag andun ka." My heart raced to what she said. She crossed her arms at nagkasalubong ang mga mata namin. Nag-aalala ba siya sakin? Nandun parin ang coldness ng mga mata niya pero parang may kakaiba akong nakikita. "Kapag patuloy mo kong tititigan ng ganyan baka ibang daan na ang tinatahak natin." Muli kong itinutok ang aking atensyon sa daan. "Stop the car." Nasa bandang Estrella kami ng sinabi niya ito. "Hindi ka na ba sasama sa office?" "Nope. I want to go home. At wag mo narin akong ihatid, alam kong may trabaho kang kailangangang pagtuunan." "Ihahatid na kita." "I can manage." Agad itong lumabas pagkahinto ng sasakyan at walang lingon-likod na naglakad. "Haay bakit pa nito iniwan ang jacket?" iniwan nito ang jacket sa passenger's seat na inupuan nito kanina. *** Someone's POV "Handa na ba siya?" Yumuko ang mga babae na naka-unipormeng itim at sumagot ng oo ang pinakatatanda sa mga ito. "Good. Pwede na kayong umalis." Pagtataboy niya sa mga ito. Pagkaalis ng mga utusan ay agad nitong binuksan ang kwarto na may malaking ngiti sa mga labi. Bumukas ang makulimlim na kwarto na may pulang kama at mga gamit. Agad siyang naghubad at nagmadaling lumapit sa babaeng nakatali sa kama. Nakaposas ang mga kamay nito sa ulonan at nakatali ang mga paa sa dulo ng kama. Tuwang-tuwa siya sa suot nitong sexing-sexy na lingerie. Nataranta ang babae ng makita siya na mas lalo niyang ikinatuwa. "Sir, maawa na po kayo sa akin. Please..." Pagsusumamo nito habang hilam ang mukha. Ilang oras narin itong umiiyak at takot na takot. "Maawa na po kayo...pakawalan niyo po ako rito...pangako..di ako magsusumbong kahit kanino..." paulit-ulit narin ang sumamo nito simula ng magkamalay. Isa modelo at bagong aktres ang dalaga, maganda at marami ang pangarap sa buhay. Dinukot siya kanina at paggising niya ay pinapaliguan na siya ng mga babae. "Yan! Iyak ka lang...mamaya hindi ka na iiyak sa ligaya. Ang mga iyak mo'y mapapalitan na ng sigaw sa sarap." Hinaplos nito ang katawan ng babae na mas lalong naghatid ng takot sa buong katawan ng dalaga. "Paakkk!" Napahiyaw ang babae sa lakas ng impact sa pagsampal niya rito. Hinalikan nito ang babae sa kung saan-saan at pumatong rito. Ngunit bigla itong natigilan ng may naramdamang mali sa paligid. Bago pa ito makagalaw muli ay may malakas na hampas ang nagpawala ng malay nito. Hinulog ito sa kama ng isang estranghero. "Shhh..." Sumenyas ang estranghero na tumahimik ang babaeng todo parin ang iyak. Hindi makahuma ang babae ng kinalagan siya ng estranghero at binalutan ng manipis na pulang kumot. "Ilalabas kita rito pero may gagawin muna ako sandali kaya tumahimik ka muna."At sa malabo  paningin ng dalaga, nilapitan ng estranghero ang matandang lalaking nais gumahasa sa kanya. *** Ramos' POV Paano ka napunta sa bahay ni Gobernador Calderon?" Kalmadong tanong ni chief sa magandang babae sa loob ng interrogation room. Habang kami ay nakikinig sa paglalahad ng babae dito sa observation room. Ipinatong ni chief ang dalawang kamay sa mesa at tinitigan ng diretso ang dalaga. Nagtataka ba kayo kung sino ang dalaga at kung paano siya napunta sa presinto namin? Aba yun din ang pinagtataka namin! Basta bigla na lamang itong sumulpot sa presinto at hinanap ang team captain namin. Maganda ang babae at ang sabi nito ay isa siyang modelo at artista ngunit bago pa lamang ito sa industriya kaya't di pa ito masyadong kilala. "Kilala mo ba ang taong tumulong sayo para tumakas?" dagdag ni chief. "Raven" bulong nito *** Alex's POV "Paano ka napunta sa bahay ni Gobernador Calderon?" Halatang tense ang batang ito dahil sa higpit ng pagpisil nito sa kamay. Namamaga ang kaliwang pisngi nito. Sa nanginginig na tinig ay patuloy itong naglahad ng kwento. "Nagsimula akong magmodelo nine (9) months ago. Sabi ng iba kahit na seventeen (17) pa lamang ako ay parang matured na ang katawan ko. Hindi pa ako masyadong sikat ngunit marami na rin akong followers sa i********: at f*******: ngunit kahit kailan ay wala pa akong naging boyfriend. Naghiwalay ang parents ko four (4) years old pa lamang ako kaya ayokong matulad sa kanila. Habang nagmomodelo, raket ko rin ang pag-arte at nag-aaral din ako. Pabalik na ako sa skwelahan kahapon at nagpaalam ako kay mommy Dawn - ang manager namin sa Show studio. Pagkatapos kong magpaalam ay bumalik muna ako ng dressing room para magpalit ng uniform. Ako lang ang mag-isang nandun dahil lahat busy sa pictorial para sa bago naming project. Pagkatapos kong magbihis ay may lumapit sa akin ngunit bago pa man ako makalingon para tingnan ito kung sino ay may panyong itinakip sa'king ilong. Bigla po akong nawalan ng malay. Nagising ako sa lamig ng tubig sa aking balat at sa mga kamay na humahaplos sa akin. Nakita ko ang mga babaeng nakasuot ng unipormeng itim at pinapaliguan ako. May isang matanda na parang leader nila na siyang taga-utos kung anong gagawin sa katawan ko. Ang sabi ng matanda ay regalo raw ako para sa master nila. Pagkatapos noon binihisan na nila ako at dinala sa madilim na kwarto. Itinali nila ako roon at iniwan. Pagkalipas ng isang oras ay pumasok ang matanda na gustong gahasain ako. Hayop talaga siya!" Humagulgol na ang babae sa pag-iyak habang nagkukuwento. "Nagmakaawa ako pero sinampal niya lang ako. Demonyo siya! Buti nalang may nagligtas sa akin, kung hindi...kung hindi..." "Sino siya?" Kunot noo kong tanong "Raven. Siya si Raven." And she smiled habang patuloy sa paglandas ang mga luha nito. "Who is Raven?" "Hindi ko rin siya kilala. Basta bigla nalang siyang sumulpot." Patuloy ako sa pagtatanong ng mga bagay na pwedeng makatulong sa imbestigasyon ng may kumatok. "Chief, may kailangan kayong makita." si Dave ang sumilip Sumunod ako kay Dave sa kabilang room kung saan may kahong nakapatong sa lamesa. "Chief, may package para sa inyo." ani sanchez Agad namang nakuha ni Dave ang tingin ko at tumango ito hudyat na safe ang package. "Buksan ko na ba, chief?" Tinanguan ko si Sanchez na agad namang hiniwa ng cutter ang packing tape na bumalot sa package. "Chief, walang sender pati address sa package." hayag ni Dave "Wow!" Napatakip ng bibig si Sanchez ng buksan ang box Nakakagimbala nga naman ang loob ng package. Isang putol na ari na binalot sa pulang tela kalakip ang mga kuhang litrato ng isang silid na katulad ng ikinwento ni Denise. "May gawd! Yan ba ari ni Congressman?" Singhap ni Santos Napangiwi si Sanchez at Ramos sa nakita. **** Sanchez's POV Mapapakamot ulo ka na lang sa mga pangyayari. Isang babae ang bigla na lamang susulpot at magreport ng attempted r**e at ang r****t ngayon ay patay na. Pagkatanggap namin ng package ay agad kaming nagrequest ng warrant para kay Congressman Calderon ngunit patay na ito tatlong oras bago kami makarating sa mansyon nito. Malalim ang iniisip ni chief habang pinagmamasdan ang mga taong pumapalahaw ng iyak sa tapat ng kabaong ng namatay na Congressman. "May magluluksa pa kaya sa pag nalaman nila ang kahayupan ng Congressman na iyan?" Napatiim-bagang ako sa binigkas ni Ramos * Balik sa Taguig City of Police Department * "Chief, si Ms. Alexis." Agad namang nasundan ng mga mata ni chief ang tinutukoy ng aking magagandang nguso. Si ma'am Alexis nakatayo sa tabi ng kanyang poteng kotse at naka-sunglasses. Nililipad ng hangin ang buhok nito at mukhang di pa kami nito nakikita.  Agad naman bumaba si chief pagkahinto ko ng sasakyan. *** Alex's POV "Lex!" Tawag ko sa dalaga "Oh, hi!" tipid itong ngumiti ng makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" "Hinihintay ka...yo." Bumati ang mga kasama ko sa dalaga at inaya narin namin siyang sumunod sa opisina "Have you eaten?" baling ko rito ngunit nakatingin rin pala ito sa akin at agad itong umiwas. Hindi ito sumagot. "We'll just have to discuss something before we have our lunch, ok?" Huminto ako sa paglalakad at sumunod naman ito. "Ok." Nginitian ko ito saka muling naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD