Chapter 2: The Player

980 Words
Owen Orbiso "May nagreklamo na namang magulang sa akin na pinagsamantalahan mo raw ang anak nila." Galit na simula ni mama sa akin. "Ikaw bata ka!" Hahampasin niya sana ako ng stapler niya kaso nakatayo kaagad ako sa usupan. Nandito kami ngayon sa office niya. Bihira niya lang ako ipatawag sa office niyang 'to dahil sabi niya sa akin na kailangan magkaroon ng fair na trato dito sa university ang lahat ng estudyante. Kaya kahit na chairman siya ng West Valley University at anak niya ako, never niya akong pinatawag sa office na ito para sa isang "family matter", ika nga niya, nagyon lang. Kung tutuusin hindi naman family matter ang usapan namin ngayon. "Masakit 'yan ma!" Sabi ko. "Takot ka palang masaktan eh bakit kung sino-sinong babae ang aanuhin mo tapos magpapahuli ka sa magulang." "So pwede pala basta wag magpapahuli?" Napahawak sa batok si mama. "Kahit kailan ka talaga. Bakit hindi ka tumulad sa mga kuya mo?" Doon na ako nagseryoso. "Hindi ako nakikipag-ano sa kung sino-sinong babae. Anong tingin mo sa akin, manwhore?" Tinaas niya kilay niya at sumagot ng "Oo," "Grabe ka talaga. Nanay ba talaga kita?" Ngumuso ako at bumalik sa pagkamakulit. "Anak ba talaga kita?" Ganti niyang tanong sa akin. Bumuntong hininga na lang ako. "Seryoso ako ma, 'yung babaeng 'yon muntikan na niya akong pikutin. Nalasing ako noon at hindi ko alam ang ginagawa ko." "Lasing? At kailan ka pa natutunong maglasing? Makakasira 'yan sa katawan mo lalo na't sumasailalim ka sa intensive training ngayon sa basketball." Walang patutunguhan itong usapan namin, sinasabi ko na. "Basta, sabihin n'yo, sa lawyer natin na ang bahalang makipag-usap sa kanila." "Saan ka pupunta?" Tanong niya ng magsimula na akong maglakad papalabas ng office. "Training," Maypagka-bitter kong sabi saka lumabas na ng office niya. Gustong gusto ko na talagang mag-quit sa basketball. Kahit na ba may tangkad at katawan akong athlete, hindi ko passion ang paglalaro ng basketball o ng kung anong laro. Sila lang naman ang nagpe-pressure sa aking sumali ako sa larong 'yan. Kakaisip ko sa inis ko, hindi ko napansing may kasalubong pala ako kun'di lang bumungo ang katawan niya sa akin. Lumagapak siya sa sahig. Si Chantalle ang bumunggo sa akin. Si Chantalle na VP ng university namin at kababata ko at... aasarin ko sana siya na nakita ko ang pulang panty niya kaso lang nakita ko siyang umiiyak. Lumuhod ako sa harapan niya at nagtataka kung napapano siya. Hindi iyakin si Chantalle noong bata pa kami, kahit noong highschool kami. At ngayon kahit sa malayo kitang kita ang malakas niyang personalidad. Imposibleng umiiyak siya ng hindi malalim ang dahilan. "Chantalle, okay ka lang?" Tanong ko. Kaagad niyang pinunasan ang luha niya. "Wala, napuwing lang ako." Imposibleng puwing lang. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para patahanin kaso lang hinawi niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. "Don't touch me!" Sigaw niya sa akin. Tumayo at nagmamadaling umalis. Weird. Siya lang ang babaeng nagsabi sa akin ng wag ko silang hawakan. Well, Chantalle 'yan eh. Kahit anong panlalandi ko sa kaniya noong highschool parang hindi naman niya nakikita ang effort ko. Binaliwala ko na lang muna ang nakita ko. Dumiretsyo na ako sa gym para sa training. Buong gabi ang training namin habang pinapanuod kami ng mga bagong recruit kanina sa New Student Festival. Karaniwan sa kanila sumali dahil sa akin. Hindi sa nagmamayabag ako, totoong sumali sila dahil sa akin. Pano ba naman si Owen Orbiso ang anak ng kilalang basketball coach at kapatid ng isang PBA player at isang MVP ng WVU sa loob ng apat na taon. Bata pa lang ako itinutulak na kami sa paglalaro. Sabihin na nating nasa akin lahat ng pressure. Kabi-kabilang endorsment ng mga gatas at energy drink ang nakukuha ko simula pagkabata. Nagyong college pati sapatos, damit , pagkain at kung ano-ano pa. Star player ako sa mata ng mga fans at ng hindi nakakaalam sa totong takbo ng game-- ako ang MVP. May tumapik sa balikat ko nang magbreak time kami. "Ayos ka lang dude?" Tanong ni Mario na parang hindi pinagpapawisan. "Okay lang." Pero ang totoo niyan, pagod na ako. "Talaga lang huh? Balita ko may ka..." ngumuso siya. "Kagabi." "Tigilan niyo nga ako diyan sa mga pinag-iisip niyo. Akala niyo ba s*x god ako?" Humalakhak lang si Mario. Kung ako ang tatanungin si Mario talaga ang MVP ng university namin. Alam niya lahat ng pasikot-sikot sa court. Offense o defense man magaling talaga siya. Siya dapat ang star palyer hindi ako. *** Para sa gabing ito, sa bahay namin ako umuwi hindi sa dorm. Nandito kasi ang buong pamilya. Si mama pa lang ang nakakaalam ng masamang balita tungkol sa babaeng nagsumbong na pinagsamantalahan ko raw kaya siya lang ang masama ang tingin sa akin. Late na ako sa hapunan pero nasa dining area pa rin sila at nagkukwentuhan ng tungkol sa basketball. As usual. Isinali nila ako sa usuapan. Nagtanong kung ano na raw ang standing ko sa ganito ganyan. Sinasagot ko naman kahit napipikon ako. Wala na ba talaga kaming ibang pwede pag-usapan kun'di basketball? "Eh kamusta naman Oliver ang kumpanya mo?" Tanong ni mama sa kapatid ko. Pasalamat na rin ako't naiba ng kaunti ang usapan. "Mas mabenta ngayon ang mga volleyball equipments. Sumisikat kasi ngayon ang volleyball sa Pinas." Simula pa lang 'yan nang mahabang usapan sa Sports Equipment Store na itinayo ng kuya ko. Sobrang pagod na pagod na ako sa usapang sports kaya nagpaalam akong tatakbo muna ako sa labas bago matulog. Natuwa naman syempre sila dahil dedicated daw ako sa training ko't tatakbo pa rin kahit na tapos na ang training. Kung alam lang nila na lalabas ako para magpahangin lang. Sa paglalakad ko napahinto ako sa bahay na dati kong napuntahan noong bata pa ako. Nasa limang bahay din ang pagitan nito sa bahay namin. May naririnig akong sigawan at kalamapag mula sa loob. Lumabas si Mrs. Amadeo na umiiyak. Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Sumakay siya sa kotse niya at umalis. Nanatili akong nakatayo doon na nag-iisip. Ito ba ang dahilan kung bakit umiiyak si Chantalle kanina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD