Dinala ako ni Henrick sa isang mahabang gutter sa labas ng malaking mansion ni daddy. Pina-upo niya ako roon. Sumisingot ay sinundan ko lang ng tingin si Henrick na sa sandaling ito ay isinuot sa paa ko ang sapatos na suot ko kanina. "What brings you here, Violet?" tanong niya na pinagpatuloy ang pagsuot ng sapatos ko. Binaling ko ang paningin sa kabilang ibayo. Wala akong planong sagutin ang kanyang tanong. Nang wala siyang narinig na sagot ay napabuntong hininga siya. Pinagpag niya ang palad at umupo ilang pulgada mula sa kina-uupuan ko. Mula sa tanglaw na nagmumula sa poste ay nababanaag ko pa rin ang guwapo niyang hitsura. Sa pagkakataong ito ay nakasuot na siya ng salamin sa mata. Nakakalag ang dalawang butones at wala na sa tamang posisyon ang kanyang kulay itim na necktie ngunit

