Masakit ang halos buong katawan ko ng magising ako kinabukasan.
"Aw!"
Daing ko at sabay hawak sa aking likod. Masakit na parang binugbog ang parte ng aking hinawakan. Heto ang tumama sa doorknob g pintuan ng silid ni Sir Damian. Naglakad ako papuntang salamin sa bandang kanan ng aking kwarto. Umupo ako sa upuang katapat nito at saka ko sinipat ang aking mukha.
Maga ang kaliwa kong pisngi, may itim, berde at medyo kulay violet. Sa lakas ba naman ng pagkakasampal sa akin. Natural lang namamaga at magkapasa. Ganun din ang parte ng aking leeg.
Tumayo ako at tumalikod sa salamin. Itinaas ko ang pataas ang laylayan ng aking damit at saka ko lumingon sa salamin.
Tama.
Masama rin ang tama ng aking likuran. Kaya naman may malaking pasa ako sa likod.
Nagdamit ako ng may kwelyo upang maitago ang nangingitim kong leeg at saka ko na lamang nilugay ang mahaba kong buhok at saka hinayaang matakpan nito ang namamaga kong kaliwang pisngi.
Dahan-dahan akong tumungo sa silid ng Doña Dorina. Tulog pa ang Doña.
Muli, dahan-dahan akong bumaba sa unang palapag upang magpunta naman sa kusina para magluto ng almusal.
Abala ko sa pagpiprito ng itlog ng may tumikhim sa aking likuran.
Nabigla ako at hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin.
Lilingon ba ako magpapatuloy na lamang sa aking ginagawa?
Syempre mas pinili ko ang una sapagkat iyon ang tama.
Pinatay ko muna ang kalan at saka inahon ang huling itlog na aking pinirito sa kawali.
Nagbuntong-hininga muna sabay lunok bago ako dahan-dahang humarap papunta sa lamesa kung saan ko ilalagay ang aking mga niluto.
"G-good-morning, Sir " Nauutal kong bati at saka nag-iwas ng tingin.
"Good morning." Sagot naman ni Sir Damian na prente ng nakaupo sa unahang bahagi ng lamesang kayang umupo kahit sampu hanggang sa labindalawang katao.
Seryoso at abala siya sa pagtingin sa kanyang cellphone.
"Wala ba siyang naaalala?Sana nga wala," bulong ko sa aking isip.
Nakaligo na siya at nakasuot na ng damit pang trabaho.
Amoy na amoy ko ang halimuyak ng kanyang sabon na gamit o pabango.
Pagkalapag ko naman ng pritong itlog ay tinungo ko lalagyan ng mug saka kumuha ng mainit na tubig sa water dispenser.
Nagtimpla ako ng kape para kay Sir Damian.
Patuloy pa rin siyang abala sa kanyang hawak na touch screen na cellphone.
Maya-maya ay may kausap na sa hawak na aparato.
"Okay, tapusin ko lang ang pagkain ko then I'll go," sabi niya sa kausap sa kabilang linya.
"Tulog pa si Mama ng silipin ko sa silid niya," wika naman niya sa akin at saka kinuha ang tasa ng kape at humigop.
"Tulog din po siya kanina ng silipin ko." Sagot ko naman.
Hindi na naman siya nagsalita at nagpatuloy lamang sa pagkain. Nagluto ako ng itlog, bacon at ham. Nagsaing ako kaya mainit at bagong luto ang kanin na umuusok pa sa bandehadong pinaglagyan ko.
"Ikaw na ulit ang bahala kay Mama. Hindi na ako aakyat para magpaalam sa kanya dahil may meeting ako ngayong umaga. " Bilin niya sa akin at saka dinampian ng punas ang mga labi ng table napkin.
Tumayo na si Sir Damian.
Inayos niya ang kanyang kurbata at saka na binitbit ang itim na bag.
Ako naman ay nagsimula ng ligpitin ang kanyang mga pinagkainan.
"Aw!"
Daing ko ng yumuko para kunin ang kutsarang nalaglag sa sahig. Nasaktan ang likod ko dahil nabanat ang balat.
Dahan-dahan na lamang akng tumatayo ngunit talagang mababakas sa pag-ngiwi sa aking mukha ang sakit na na nadarama.
"Why?"
Nanigas ako.
Akala ko umalis na siya.
"Why? May masakit ba sayo?" tanong ni Sir Damian at na nilapitan ako.
Umiikot ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kanyang katanungan.
Hinawakan niya ako braso at inikot ako paharap sa kanya.
"Aray!"
Nasaktan din ako sa ginawa niyang paghawak sa braso ko.
Kunot-noo si Sir Damian pag kaharap ko. Inalis niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kanan kong braso at saka hindi na nagpaalam na itinaas ang manggas.
Natigilan ako.
Nangingitim rin pala ang kanan kong braso kaya pala masakit din ng hawakan niya. Hindi ko 'yun napansin kanina.
Sa kanang braso niya nga pala ako hinila kagabi palabas ng kwarto ni Doña Dorina.
"Bakit may pasa ka? " tanong niya sa nakakatakot na boses.
Umiwas ako ng tingin.
"Nadulas lang po ako Sir, tumama-"
Hindi ko pa natatapos ang paggawa ko ng dahilan ng hawiin niya ang buhok ko na tumatakip sa kaliwa kong pisngi.
Mabilis kong hinawi pabalik ang buhok ko at tinakpan muli.
"Saan mo nakuha ang mga pasa na 'yan?"
Napalunok ako sa kaba.
Hindi niya nga natatandaan ang mga ginawa niya sa akin kagabi.
"Saan?!"
Napaigtad ako sa sigaw niya.
"S-sir, kasi-"
Ano ba nama to? Bakit parang bibitayin na ako kapag hindi pa ako sumagot.
"Ihanda mo ang gamit ni Mama, isasama ko kayo. Mamaya na lang kita tatanungin kung saan at paano mo nakuha ang mga pasa mo sa katawan." Ma-awtoridad niyang sabi at saka humakbang papunta sa hagdan pataas ng bahay.
Sumunod na lamang ako at mabilisang hinanda ang mga gamit ni Doña Dorina. Mabuti na lamang at gising na siya ng puntahan ko sa kanyang silid. Mabilisan ko rin siyang nilinisan at binihisan kahit pa hirap akong kumilos sa sakit na dala ng mga masasakit na parte ng aking katawan.
Na kasunod na naman ako papalabas ng bahay.
Si Sir Damian na kasi ang nagtulak ng wheelchair ni Doña Dorina. Isinakay niya ang Doña sa likod ng sasakyan at maingat na inayos ang pagkaka-upo at sinuotan ng seatbelt.
Akma na kong sasakay sa tabi ni Doña Dorina ng magsalita si Sir Damian.
"Dito ka sa harap umupo!" Asik niyang utos sa akin.
"Opo." Sagot ko at saka mabilis na kumilos pasakay sa harapan sasakyan at umupo sa tabi ni Sir Damian.
"Huwag mong sabihing ako rin ang maglalagay ng seatbelt mo?"
Taranta koncg kinuha ang seatbelt sa aking gilid ngunit napangiwi ako ng hatakin ko ito at nabitawan dahil kumirot ang braso ko na tinugon ng likuran ko.
Halos hindi ako makahinga ng dinukwang ako ni Sir Damian.
Kinuha niya ang seatbelt at siya na ang nagkabit.
Pakiramdam ko uminit ang temperatura ko sa katawan ng madikit ang balat niya sa aking balat at tumama ang kanyang mainit na hininga sa aking buhok.
Mabuti na lamang at saglit lang ang eksenang 'yun dahil kung nagtagal pa ay baka himatayin na ako dahil sa pagpigil ng aking hininga.
Ayokong lingunin si Sir Damian na seryoso lamang sa pagmamaneho ng sasakyan.
"Saan kaya kami pupunta at isinama pa niya kami ni Doña Dorina?" bulong kong tanong sa aking sarili.
Maya-maya pa ay ikinabit niya sa kanyang tainga ang isang bagay na kung hindi ako nagkakamali ay bluetooth kung tawagin dahil saglit lang ay may kausap na siya sa cellphone.
"Yes, idadaan ko sila," sabi ni Sir sa kabilang linya.
"Sino kaya ang kausap ni Sir? Kami kaya ni Doña Dorina ang sila na tinutukoy niya?"
Inalis na niya ang bluetooth sa tainga at nagsalita.
"Titingnan ng doctor ang mga pasa mo sa katawan kaya ihahatid ko muna kayo sa ospital."
Hindi ko akalaing sa ospital pala kami pupunta.
"Naku! Sir! Hindi na po. Lalagyan ko na lamang po ng yelo itong mga pasa ko." Pagtutol ko.
"Siguraduhin mong maayos mong maipapaliwanag kung bakit may mga pasa ka sa katawan." Seryoso at mapanganib niyang wika na nakatingin pa sa repleksyon ko sa maliit na salamin na nakaharap sa amin dito sa loob ng sasakyan.
"S-sir, kasi po-"
Paano ko ba mapaliwanag na siya mismo ang gumawa ng mga pasa sa aking katawan?
Paano ko idedetalye?
Sasabihin ko rin ba ang parteng-
Napalunok ako.
Kahit sa sariling isipan ay hindi ko masabi ang isa pang kapangahasan na ginawa sa akin ni Sir Damian.
Dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan ang aming naging biyahe. Nakita ko na lamang ang aking sarili na naglalakad at pumapasok sa isang malaki, malawak at kilalang ospital.
"Damian."
Isang matangkad at mestisong lalaki ang sumalubong sa amin. Nakasuot siya ng kulay puti at mahabang damit na nakapatong sa asul niyang polo shirt at slacks na itim. Kasunod niya ang dalawang babaeng nurse.
"Jerwin." Tawag naman ni Sir Damian sa lalaking sumalubong sa amin.
Nag shake hands pa silang dalawa.
"Hi!" Baling naman sa akin ng lalaki na ayon sa nameplate niyang malinaw kong nababasa ay isa siyang doktor.
"Dr. Mendez, by the way." At inilahad niya rin ang kanyang kamay sa akin.
"Ana Joy po." Kimi kong sagot at bantulot na nakipag kamay.
Kaswal naman siyang nakipag-kamay sa akin at saka binalingan ang Doña Dorina.
"I have to go. Ikaw na ang bahala sa Mama ko at kay Ana Joy." Pagpapaalam ni Sir Damian.
"Okay, bro." Sagot naman ni Dr. Mendez at inihatid pa niya hanggang sa labas si Sir Damian samantalang kami ni Doña Dorina ay iginiya na ng dalawang babaeng nurse sa isang silid
Dr. Jerwin Mendez ang pangalang nakalagay sa labas ng pintuan.
Maaliwalas ang loob ng silid. Kulay puti ang kulay ng pintura ganun din ang tiles ng sahig. Samantalang ang mga kurtina ay pinaghalong itim at puti.
Pinaupo ako sa malambot na sofa habang si Doña Dorina ay tahimik lamang nakaupo sa kanyang wheelchair.
Maya-maya pa ay kinuhanan na ako ng blood pressure at kung anu-ano na ang mga tinanong sa akin.
Ganun ba talaga kapag nagpapa-check up?
Nilagyan din ako ng thermometer aking kili-kili para malaman kung may lagnat ako.
"Masama ang pagkatama sa likod at diyan sa pisngi mo," sabi ni Dr. Mendez at panay sulat lamang sa papel.
"Heto ang mga dapat mong inumin para mabawasan ang kirot." At saka niya inabot sa akin ang reseta at ipaliwanag na rin kung ilang beses kong iinumin sa isang araw at kung hanggang kailan ko iinumin.
"Salamat po, Doc." Magalang kong pagpapasalamat.
"So, ka anu-ano ka ni Damian?"
Nakangiti niyang tanong sa akin matapos sumandal sa kanyang upuan.
Ang puputi ng ngipin niya at pantay-pantay. Ang pupula rin ng labi niya.
Required ba talaga kapag Doctor ganito ka-gwapo? Palagay ko nga ay kaedaran lamang siya ni Sir Damian.
"Wala po Doc. Ako po ang kinuha niya na personal na mag alaga kay Doña Dorina." Tugon ko.
Kuot ang noo niya na parang tinitimbang pa kong maniniwala o hindi sa sagot ko.
"Are you sure?" tanong niya ulit na nilaro-laro pa ang hawak na ballpen sa kamay.
"Opo."
" Well, sorry kung alinlangan akong maniwala sayo. Hindi kasi basta-basta nagtitiwala si Damian kahit pa sa kadugo niya. Kaya nakakapagtaka ang sagot mo."
Nakangiti niyang lahad at saka kinuha ang papel kung saan ako sumagot ng aking personal na pagkakakilanlan.
"19yrs. old."
Pagbasa niya sa record at saka ako sinulyapan.
Bakit ganito 'tong Doktor na ito? Gwapo sana kaso parang may iba pa siyang nais pakahulugan sa pagkatao ko.
"Ang bata mo pa pala. " Patuloy niyang komento.
Mataman na lamang akong nakikinig dahil hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ko na itatanong kung paano mo nakuha ang mga pasa mo sa katawan. Dahil mukhang ayaw mo namang sabihin." Makahulugan niyang saad.
Napalunok ako sa narinig.
"Luh' bukod sa Doktor ay manghuhula ba siya?" hindi ko mapigilang tanong sa aking sarili.
Mabuti na lamang at nagdagsaan ng dumating ang iba pang pasyente ni Dr. Mendez kaya naman naging busy na siya at hindi na kami nag usap.
Maasikaso naman ang dalawang nurse na panay ang tanong kung okay lang kami at kung nagugutom na ba raw kami ni Doña Dorina.
Bago mag tanghalian ay dumating na si Sir Damian.
Mataman niya lamang akong tiningnan habang nakikipag-usap kay Dr. Mendez.
Kumalabog ang dibdib ko ng makasakay na kami sa itim at mamahaling sasakyan ni Sir Damian.
Naalala ko kasi ang sabi niya kanina na dapat maayos kong maipaliwanag kung paano ako nagkaroon ng mga pasa sa katawan.
Kumain kami ng tanghalian sa isang pang mayaman na restaurant. Alinlangan pa nga kong pumasok dahil nakikita kong mga sosyal na tao ang nasa loob. Hindi ko rin kasi alam kung anu-anong pagkain ang inorder ni Sir Damian. Basta may nakikita akong hipon na mayroong sarsa, mayroong mga karne pero hindi ko alam kung baboy, manok o karne ng baka. Pakiramdam ko kasi ay iisa lang ang lasa sa sobrang sarap.
Dumaan din kami sa isang pharmacy para bilhin ang gamot na niresata sa akin.
Pagkauwi sa mansyon ay dinagsa na lalo ko ng kaba sa dibdib.
Ngunit pilit kong binabalewala sa pamamagitan ng pagiging abala sa pag-aasikaso kay Doña Dorina.
Hanggang sa sumapit ang hapunan ay tahimik lang si Sir Damian at walang tinatanong.
"Goodnight po, Doña Dorina."
Dahan-dahan ko isinara ang pintuan ng silid ng Doña na maagang natulog marahil sa pagod sa byahe.
Ako naman ay tumungo na rin sa aking kwarto para maghanda ng magpahinga at matulog.
Pagkatapos kong maghilamos at makapag palit ng damit na ternong kulay pulang padyama na manipis at saka ko naalala na hindi pa ako umiinom ng gamot. Wala akong tubig dito sa kwarto kaya naman bumaba pa ako patungo sa kusina.
"Kanina pa kita hinihintay."
Isang baritono na boses ang pumailanlang sa katahimikan ng gabi na naging dahilan ng hindi ko maipaliwanag na kaba sa aking dibdib.