"Si Sir Damian mismo ang naghatid sayo?" manghang tanong ni Tine na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi kung sino ang naghatid sa akin sa bahay ni Trevor. Nakita niya pa kasi ang magarang sasakyan ni Sir Damian ng ito ay umalis kaya naman agad niya akong tinanong kung sino ang naghatid sa akin. "Oo, nakita mo naman siguro ang sasakyan niya." Bale wala ko naman na sagot at saka sinuklay ang aking mahabang buhok at naghahanda na para tumabi sa mga anak ko upang matulog. Hindi kasi kami pwede sa isang kama dahil malikot matulog ang mga bata. Kaya naman naglatag na lang kami sa sahig ng silid ng makapal na comforter at pinatungan ng kutson at dito kami tabi-tabi na natutulog na mag-iina. "Pagod na pagod nga si Trevor ng dumating siya kanina. Hindi na nga kumain at tumuloy na agad sa ka

