"Dito na pala kayo nakatira ngayon? Bongga! Ana Joy! Okay na okay ang lugar. Tamang-tama lang para sa inyo ni Nanay Dorina at sa magiging anak mo. Mabuti na lang at naisipan mong lumipat. Ang layo kaya ng baryo kung saan kayo nanggaling. Ang mga tumitira lang doon ay ang mga ipinanganak na sa lugar na 'yon. Wala nga silang suplay ng kuryente hindi ba? Kaya tama lang ang desisyon mo, Ana Joy. Masyadong liblib ang lugar na 'yon at malayo sa kabihasnan." Hayag ni Tine habang iniikot ng tingin ang buong bahay. "Oo nga, kaya nga agad na akong naghanap ng bahay na malapit dito sa bayan. At salamat naman at itinuro ako sa tamang tao. Kaya heto, may sarili na kaming bahay ni Nanay. Hindi na kami pareho na mahihirapan sa mahabang biyahe sa tuwing kailangan namin magpunta dito sa bayan." Sagot ko.

