"Tulong! Pakiusap! Pigilan niyo siya! Dala niya ang anak ko!" pagmamakaawa ko sa mga tao sa paligid na tila wala pang alam sa nangyayari kahit pa sigaw na ako ng sigaw. "Tulong! Ang anak ko!" sigaw kong muli habang tigmak na ng pinaghalong sipon at luha ang aking buong mukha. Umandar na ang motor at mabilis na itong sumibat ngunit hindi pa ito nakakalayo ng bigla itong sumemplang sa kalsada dahilan para matumba rin sa aspalto na daan ang lalaki na may hawak sa anak ko. "Diyos ko po! Ang baby ko!" kahit hirap na hirap ako sa pagtakbo ay pinilit ko pa rin. Natumba ang lalaki kaya naman malaki ang posibilidad na nalaglag ang anak ko. Nakita ko kung paano nilapitan ng maraming tao ang lalaking natumba at pinag tulong-tulungan na bugbugin. May sumuntok. May sumisipa at tumadyak sa kahit ano

