"Sakim ka, Damian! Hindi na rin kita kaibigan simula ng inagaw mo sa akin ang babaeng mahal ko! Ang nag-iisang babae na mahal na mahal ko pero iniwan ako ng dahil sayo!" halos maglabasan ang lahat ng ugat sa leeg ni Jerwin ng sabihin sa akin ang kanyang mga paratang. Ako? Mang-aagaw? Sa pagkaka tanda ko ay nagkakilala kami ni Suzy noong nasa college kami. Niligawan ko siya at sinagot naman niya ako hanggang sa tumagal ang relasyon namin at nauwi sa isang kasalan. Kaya anong sinasabi ng sira ulo kong kaibigan na inagaw ko sa kanya ang dati kong asawa. "Kami ni Suzy ang magkasintahan pero mabilis siyang nakipag-hiwalay sa akin ng makilala ka! Bakit ba naging kaibigan pa kita?! Bakit kailangan na ikaw ang mas piliin ni Suzy?!" waring nasisiraan na ng bait si Jerwin. Nakasabunot pa ang kany

