"Mabigat siguro ang sikreto na natuklasan mo kaya gusto kayong patayin? Pero, bakit naman hahantong sa ganun na bagay? Hindi ba pwedeng pag-usapan na lang para maayos? Pangako mo na lang na hindi mo ipagsabi ang sikreto na nalaman mo. Peksman man, mamatay man ang taong 'yon kasama ng lahat ng kanyang mga tauhan?" may halo pang pagbibiro sa tanong ni Tine kahit pa seryoso ang mukha niya. "Hindi, Tine. Siguradong papatayin niya kami dahil narinig ko ang mga sinabi niya. Pangalan at reputasyon niya ang nakalagay sa balag ng alanganin sa oras na sinabi ko sa iba ang nalaman ko. Kaya dapat talaga na mag-ingat kaming dalawa ni Doña Dorina. Alam kong hindi nagbibiro ang taong 'yon. Kaya niya kaming patayin ng walang kahirap-hirap." Malungkot kong sagot sa aking kaibigan. "Sino ba ang taong iyon

