3RD PERSON POV
Maabilis na lumipas pa ang araw at linggo ay natapos na rin ang Klinika ni Doc Lavinia. Kasalukuyan syang nag aayos na lamang ng kanyang mga gamit sa loob.
Magkakaron ng Opening sa isang araw kaya tinatapos nya ang mga ilang bagay.
Naroroon din ang mga Assistant nya at staff na kinuha bilang katuwang sa klinika. Bale 2 ang staff niya. Parehong may experience na sa trabaho ang mga ito. Nang bandang alas kwatro ay pinauwi nya na rin muna ang mga ito dahil tapos na naman nilang iayos ang iba. Sya na lamang ang naiwan para sa natitirang gawain.
Nakangiti syang pinagmamasdan ang Klinika nya.
"Haist...Thank you Lord, dahil abot kamay ko na ang Klinika na to, pangarap ko lang to noon pero heto at natupad na." Usal ng dalaga.
Nasa ganong Moment sya ng may kumatok sa pintuan, ni lock nya kasi ito pagka alis ng dalawa. Nang silipin nya ang pinto ay walang iba kundi si Cong.
Agad syang lumapit sa pinto at binuksan ito.
"Good evening Lavz!
"Hi Cong pasok, Bat naisipan mong dumaan hehe."
"Hmm..Wala naman naisip ko lang na since nagpa orient ka sa mga staff kanina nagbaka sakali akong andito ka pa.
"Ah, Oo ok naman yung orientation ko sa kanila kanina. Maganda din dahil alam na nila ang work at experiensado na sila kaya bandang 4pm ay pinauwi ko na sila. Babalik na lamang sila sa isang araw para sa Opening." Nakangiting wika ng dalaga.
"Hmmm..Congrats Lavz! Nakuha mo na yung isa sa pangarap mo." Saad naman ng binata na nakangiti rin.
"Salamat, Pero syempre Kung di mo ako hinayaang rentahan tong pwesto di ko rin Makukuha yung gusto ko, Sa kabila ng Pang Aaway ko sayo eh kahit papano hindi mo parin ipinagdamot ang pwesto, Kaya salamat."
Sa tinuran ng dalaga ay halos ma overwhelmed naman ang binata. Marunong din pala itong mag pasalamat at mag appreciate
"Hehe..Kalimutan mo na yon, mahalaga ang kasalukuyan Lavz.
"Okay Sabi mo eh hehe"
"Ahm.. nga pala Lavz nag take out ako ng Dinner, saka pinadala din kita ng recipe na ginawa ko kanina, Pwede ba nating kainin dito? Tanong ni Congressman sa Doctora.
"Oo naman Ex, Pwede tayong magkainan rito. Binyagan natin yung table na inorder ko sa sss hehe."
Sa sinabing iyon ng doctora ay tila namula naman ang binatang Kongresista.
Kinuha ng dalaga ang Foldable table na nakabalot pa.
"Ex, pwede pa open nito, Dyan tayo magkakainan, kuha lang ako ng table mat para di makalat." Dagdag pa ng dalaga. Pagbalik nito ay may dala iying sapin para sa table.
Napansin naman nito ang pamumula ng binata.
"Oh Ex, bakit namumula ka, parang kumain ka ng siling maanghang."
"Ah, eh baka sa nakain ko kanina, pero wag mo intindihin to mawawala rin to agad"
"Ah okay, Oh ilatag mo na to sa table Cong para makapag Kainan na tayo."
Habang inilalagay ni Exodus ang mga sapin sa mesa ay biglang may naisip ang dalaga.
"Ex, Hindi ka ba allergic Sa Tahong?
Tanong ng dalaga. Halos masamid naman ang binata sa Turan nito.
"Ta..Tahong Mo Doc Lavz? O..Oo naman.
"Oo, Sayang naman yung Tahong ko na binake kanina, buti naalala ko wait lang i microwave ko lang saglit.
After 3 mins ay bumalik na ang dalaga bitbit ang BAKED TAHONG na gawa nya kanina.
"Heto na ang tahong Ex, check mo nga kung masarap yung tahong ko?
Sa sinabing iyon ng dalaga ay muling namula ang binata.
Pero sinisimulan nya ng tikman ang binake na tahong ng dalaga.
"Hmm..Masarap Doc, Malasa ang tahong mo, sa..sariwa mo pa siguro nabili kanina."
"Oo naman Ex, sinisigurado ko na Fresh ang tahong ko na binibili hehe, Halika na Ex kain na tayo" aya ng dalaga.
Binuksan ng dalaga ang dalang pagkain ng binata. May rice, Roasted Chicken at Baked Cheesy Embutido.
"Wow? Parang ang sarap naman nito Cong."
"Alin Lavz?"
"Etong Bake Cheesy Embutido mo,"
"Ah yan ba? Tikman mo Lavz then sabihin mo kung anong Comment mo."
Agad naman humiwa ang dalaga ng Embutido na gawa ng Binata at kinain ito."
"Hmm..Ang sarap ng Embutido mo Cong. Lasang lasa yung Cheese, hindi nakakaumay."
"Talaga Lavz? Masarap ang Embutido ko? Parang Yung Tahong mo din Masarap din."
"Hehe, oo pero pwera biro masarap sya Cong."
"Salamat Lavz, kain na tayo."
Habang kumakain ang dalawa ay hindi nawawala ang kwentuhan nila.
Pasado alas Otso na nang lisanin nila ang Klinika.
"Doc, Ingat ha, Hinay lang sa pag da Drive."
"Salamat Cong. Ikaw din, Ingat"
Matapos mag paalaman ay nauna namg sumibad ang sasakyan ni Lavinia at kasunod naman noon ay Si Exodus.
Samantala..
LAVINIA
Heto na ang araw na pinaka hihintay ko ang Blessing at Opening ng "Aesthetika Lavinia Clinic"
Maaga akong gumayak dahil excited na ako sa Opening ng aking Klinika.
Nagsuot lamang ako ng White na Fitted dress na may slits sa gilid.
Nag apply lang din ako ng Make up na naayon sa event.
Inayos ko rin ang mga bulaklak na ionorder ko para sa event na ito.
Tama maganda ang panahon, lahat ay naaayon.
Samahan pa ng sariwang hangin, Gusto ko talaga sa lugar na ito dahil medyo mataas at presko, Malawak ang lupain na ito ni Cong. Buti na lang talaga kahit na inaway away ko sya ay pina rentahan nya parin sa akin ito.
Maya maya lamang ay dumating na rin mag catering na kinuha ko para syang mag asikaso sa pagkain ng mga bisita.
Inimbitahan ko ang malalapit ko lamang na kaibigan, Syempre pati ang pamilya ni Cong. Hind man kami totoong Mag Jowa pero para sa pag kakaalam nila ay legit kami kaya inanyayahan ko rin sila.
Ininvite ko si Ex, pero may mahalaga daw syang kailangang tapusin kaya baka di daw sya maka attend ng Opening at blessing.
Kaya sinabi ko na ok lang naman pumunta na lang sya kung kelan sya libre.
Nagdatingan na nga ang mga bisita, pati ang mga magulang Ni Ex at ang iba nyang tita ay dumalo rin. Dumating na rin ang Pastor na Mag sasagawa ng Blessings.
Nang sisimulan na ay laking gulat ko ng Makita kong mabilis na Bumaba ng Sasakyan si Cong. Sa pag mamadali nito ay hindi nya pa naayos ang suot nyang Suit.
"Abot pa ba ako? Sorry Lavz late ata ako."
"Oh, Akala ko nga di ka makakarating dahil may importante kang kailangang gawin" saad ko, Habang inaayos ang botones at Kwelyo ng kanyang suot na suit dahil hindi ito naka ayos."
Hinawakan nya ang aking kamay at doon ko lamang napansin na nakatitig pala sya sa akin."
"Yes! Pero inabot ko lang kay Cong. Oligario yung USB, Syempre isa to sa mahalagang Araw para sayo, kaya ayaw ko rin ma miss." Saad nya habang nakangiti at nanatiling nakahawak sa aking kamay." Hay naku..Lakas naman magpakilig ng Gagong to,Napaka pogi parin kahit di nakaayos ang kwelyo at botones hmm...usal ko sa aking isip lamang.
"Ehem..Mga Anak..mag sisimula na Si Pastor para sa Blessing, hehe Baka sa sobrang sweet nyo eh baka Kasal ang masimulan hehe" saad ni Mommy Everly.
Napangiti na lamang ako at medyo bumitaw na rin kay Cong.
Pumwesto na ako sa may unahan, Nasa tabi ko parin si Ex, habang nakikinig kami sa maikling mensahe ng pastor. Kasunod noon ay ang Pag Bless at panalangin para sa Klinika. At ang kasunod noon ay ang ribbon cutting.
Halos maiyak naman ako ng gawin ko iyon, matagal ko na kasi itong pinangarap.
Nag palakpakan lahat at kinongrats nila ako. Niyakap naman ako ni Mommy Everly At Daddy Eugene mga magulang ni Exodus, pati ng mga tiyahin nya. Sunod naman ay pagbati ng mga kaibigan ko.
At ang Huli ay Si Exodus, hindi ko alam pero bigla akong napayakap sa kanya, at ganon din sya sa akin.
Hindi ko alam pero lalo na tumulo yung luha ko dahil sa saya.
"Congrats Doctora Lavinia, Finally you have your own Clinic, I'm sure proud sayo ang parents mo."
"Salamat Ex, hindi ko rin naman to makukuha agad kung di dahil sa tulong mo, Kahit pa may Pera akong pambili para sa pwestong ito, kung hindi mo naman pinayagan na ibigay ang space wala rin. Kaya Thank you Kasi Hindi ka Madamot hehe" saad ko sa kanya
"Nakangiti sya habang pinapahid ng kanyang hinlalaki ang ilang luha na nasa aking mata.
"Deserved mo yan Doc, Masaya ako para sayo." Saad nya.
Nasa ganoong Eksena kami ng Isang sipol ang nagpahinto sa amin. Pag lingon namin ay walang iba kundi si Mayor Mavee, kasama nito ang dalagitang kasama nya sa hospital dati.
"Mayor Mavee..."
"Congrats Vin! Sorry hindi ako naka abot sa blessing, may pinuntahan pa kasi kami eh."
"Okay lang, katatapos lang din naman, Hi Xelyn kumusta?
"O..Ok lang naman po Doc,"
"Hi Xelyn, Naaalala mo pa ba ako?
"O..Oo naman po Congressman, hindi ko po yun makakalimutan " saad ng dalagita saka ngumiti kay Ex.
Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng selos.
"Good, Saka wag mo na akong tawaging Congressman kahit Kuya Exodus nalang." Saad naman ni Ex dito dun lamang ako nabunutan ng tinik, so di ako dapat mag selos.
"Ahm Tara na muna kumain ready na ang Food," aya ko sa kanila.
Pansin ko ang pag tingin ni Mavee kay Xelyn kada titingin sya kay Xelyn ay parang nahihiya ang dalagita.
"Lavz, Hindi rin pala ako mag tatagal kailangan ko rin kasi mag report sa Kongreso, bali nag late report lang ako."
"Ahm..ganon ba, sige pero kumain ka mina tapos saka ka umalis pagkakain," wika ko rito saka ko sya inabutan ng pagkain.
"Salamat Lavz, Saad nya saka hinawakan ang kamay ko habang inaabot ko ang pinggan napakaharot talaga ng lalaking ito.
Samantala napatingin naman kami kayayor Mavee at kay Xelyn .
"Hwag mo na akong asikasuhin Xelyn! Kaya ko ang sarili ko, Yang Sarili mo ang asikasuhin mo!" Saad nito kay Xelyn, mahina iyon pero dinig namin ni Ex, tarantang kumilos naman ang dalagita.
Nagkatinginan na lamang kami ni Exodus.
Maya maya ay nilapitan ko si Xelyn, pansin ko kasi na parang maiiyak ito.
"Xelyn, kumain kang mabuti ha, Wag kang mahihiya"
"Sa..Salamat po Doc lavinia, congrats din po pala sa inyo."
"Salamat Xelyn, Ganyan talaga kapag may pangarap ka, wag kang susuko, maaring ako ngayon, sa susunod ikaw naman hehe, kaya Mag aral kang mabuti."
"Thank you Doc"
"Pero kung Panghihinaan ka ng Loob at Puro Iyak lang ang Gagawin mo, Walang mangyayari sa pangarap mo!"
Napalingon kami ng sabay ni Xelyn sa nagsalita na walang iba kundi si Mayor Mavee.
Natahimik naman si Xelyn at napayuko kasunod noon ay nakita ko na nga ang pagpatak ng kanyang luha, kaya tinapik ko agad sya sa balikat at hinaplos ang likod.
"Shhh...Tahan na Xelyn."
"Yan, yan ang sinasabi ko, Kada masasabihan iiyak? Ayaw mong masasabihan pero ayaw mo namang mag focus palagi ka na lang iyak."
Dagdag pa ni Mavee, nasa malayong table kami kaya kaming apat lamang ang nakakarinig.
Nagulat ako ng Magsalita si Exodus.
"Tama na! Hindi palang siguro sya sanay, Baka nag A adjust palang sya kaya wag ka muna mag expect ng kung ano!." Saad ni Exodus pero ramdam ko na tila asar na ito.
"Okay! Sana kayo yung kasama para nakikita nyo!
Saad ni Mavee,
Ngayon ko lamang sya nakitang nagka ganito, mukang Bad morning tong si Yorme ah kaya bago pa magka initan ay gumitna na ako.
Pero bago pa ako makatayo ay Nagsalita din si Exodus.
"E di Ibigay mo Sa akin, Para sa akin sya mag trabaho,"
"Haha, Ano ka Sinuswerte?!
"Yun naman pala eh Bat HB ka!
"Teka lang nga sandali, para kayong mga bata! Mahiya naman kayo sa amin, naturingan kayong nasa position pareho pero pareho kayong batang isip!
"Sorry Lavz, Yang si Yorme kasi napaka seryoso sa buhay!
"Sorry Vin, yang Si Cong. Kasi pakialamero.
"Ano Di pa kayo titigil?"
Pagkasabi ko noon ay pareho na silang natahimik at muling humingi ng Sorry.
Pati silang dalawa ay nag sorry din sa isat isa.
Pati kay Xelyn ay pinag Sorry ko silang dalawa.
Matapos iyon ay napa upo ako at napa bunting hininga na lamang. Nakaka Stress tong Tatlong ito. Mukang ako ang magiging Customer ng sarili kong Clinic dahil sa tatlong to ang aga aga eh.
Pumunta na muna ako sa ibang bisita at nag pasalamat sa kanila.
Maya maya ay lumapit sa akin si Cong.
"Lavz, Sorry ulit sa pag patol ko kay Mavee,"
"Hmm..Hwag mo nalang patulan nex time, para di na humaba."
"Okay Sorry ulit Lavz, Smile na Hwag kana magalit, Ayokong sirain ang araw mo kaya Smile na Please." Saad ni Gago wala naman akong nagawa kundi ngumiti na lamang din, dahil nakakatawa ang itsura nya, para syang Batang nang uuto, at ako naman ay batang nag pa uto.
"Sige na hehe, So san kana nyan?
"Mag rereport na muna ako Lavz, Try ko na lang dumaan ulit mamaya pag out ko."
"Okay Ex, See you Later hihintayin kita."
"Salamat Lavz, Darating ako." Saad nito sabay kindat sa akin. Napangiti na lamang din ako.
Hmmm..Kailangan mo ng special treatment mamaya Congressman Banderas. Nangingiting saad ko sa aking isip.