Chapter 3

1432 Words
Clarence's POV I had found my daily routine Sleep, eat, school, chat her and eat. Then cycled Thats my daily routine for the past two weeks. Its been fun but sometimes not Bigla bigla kasi syang nawawala na parang bula. Maggu-goodbye agad sya kahit maganda na ang usapan Tapos nung tinanong ko tropa ko kung pwedeng umabsent dahil sa tour cafe. Aba'y ang babait. Tinakwil ako {Oh pre] "Absent tayo bukas, Galain natin lahat ng cafe malapit sa school. Game?" [Alam mo pre, mage-exam na tayo tapos puro lang gala nasa isip mo. Lutang na lutang ka nga nung mga nakaraang araw tapos gagala ka pa. Yung eyebags mo din parang sinuntok na. Sawa na rin kami sa mga cafe na yan] "Hindi pre, may--" [Pass na muna kami dyan, busy kami eh] End call} Thats a first. Ngayon lang sila tumanggi sa alok ko kahit na matagal na kaming magkaibigan Bakit nga ba si Joshmar yung tinawagan ko. Mas matino naman si John Mark Napahiga nalang ako at napabuntong hininga sa kama. Nawala nga naman sa isip ko yung cafe gala namin gawa ng exam na yan. Mid-terms na rin kaya mahirap. Magagala na nga lang ako magisa. Sanay na rin akong maging lonely. *f*******: Ringtone* Ting Bigla akong napangiti "Open na sya!" Masigla kong sabi habang nalikot ang paa ko. [Candy: Musta exam? Mahirap ba?] [Me: Mahirap, nasan ka. Dadalhan kita ng libro] [Candy: Manghihiram nalang ako kay Juli, salamat] [Me: Its okay, im off to find you soon] [Candy: Huh?] [Me: Hahanapin kita, alam kong malapit ka lang sa school nagtatrabaho kaya pupunta na ko dyan. See you soon] Pinatay ko na ang cellphone ko. "Ahh. Im a fool!" Binatukan ko ang sarili ko. Bat ko sinabi na hahanapin ko sya. Magtatago sya sakin. Pano ko malalaman kung anong cafe? Pati lagi pa namang nagiiba yung kulay ng suot ng maid dahil sa schedule ng suot. Napakamot ako, aabsent ako ngayon para na din mabisita ang lahat ng cafe. Bahala na si Batman End of Clarence's POV John Mark's POV Hi. Ako si John Mark Mendoza. The school Nerd at matino. Gwapo rin naman ako. Sa mata nga lang ng iba, maypagka hindi Ako ang kaisa isang kakambal ni Joshmar Mendoza. First things first, Magkaibang magkaiba talaga ang ugali naming dalawa. Playboy sya, torpe ako. Tamad sya, masipag ako. Mean sya, Mabait ako. Lahat ng masamang ugali...i mean konti lang ay nasa kanya. Hindi kagaya ko. Mabait ako. Loyal. Seryoso. Pero kahit isang babae. Walang nagkagusto sakin kaya umaasa nalang ako sa iisang babae sa campus. She is Raven Castillo. Kaibigan sya ni Julianna Bautista na kaseatmate ko. I heard na nililigawan na daw ni Julianna si kuya Joshmar. Buti pa si Kuya may nanliligaw sa kanya na babae pero ako ito....wala About nga pala sa Crush ko na si Raven Castillo. Ubod talaga sya ng ganda at halos lahat ng lalaki napapanganga nya, ganun din naman ang iba kay Juliana pero di ko type dahil kay kuya na yun. Pero ang masaklap saming dalawa ni Raven ay kahit magkaklase na kami ay di ko ito kayang kausapin. Torpe na kung torpe pero wala na tayong magagawa. Kahit na gumawa ako ng paraan kung pano sya makakausap, mas nauuna si torpe bago si kilos, like bigla nalang akong kakabahan at parang vibrator ang buong katawan. Mawiweirduhan pa sya. "Uy!!" tawag sakin ni Julianna at tinapik ako "Bakit?" "Bigay mo nga ito sa kuya mo. Piling ko galit nanaman sya sakin" sabi nya at binigay sakin ang Dairy Milk na chocolate "Kailan pa hindi. 78 na chocolate na nga yung nabigay mo kay Kuya eh" "Still counting! Madadagdagan pa yan" Ani Juliana at may pagkindat pa "Edi halos 78 days ka nang nanliligaw sa kanya" "Yeah! Salamat bilang messenger ng chocolate ko" Tinapik nya ang balikat ko at tumawa ito ng konti "Oo kasi kung hindi mo messenger si Clarence, ako naman yung messenger mo" "Hindi ba sya nagsasawa sa Dairy Milk?" Tanong nito at napaisip ako. Ano pa bang iisipin ko, yung basurahan na madaming chocolate na ang nakalagay.  "Feeling ko nagsasawa na sya. Di naman nya kinakain" Pag-iiba ko ng kwento rito, pero hindi nga nya kinakain. "Iibahin ko nalang yung chocolate" Naglabas ito ng Twix at pinalit sa Dairy Milk "Ok na ba yan?" "Siguro" "Bigay mo yan ahh" Tumango ako "Okay" "At dahil mabait kang messenger, bigay mo nalang toh sa crush mo" Sabi nya at binigay yung Dairy Milk sakin. Napakunot ako. "Wala namang okasyon ngayon para magbigay ng chocolate. Bat ko bibigay?" Ssbi ko at nilayo sa akin ang chocolate "May okasyon kaya. Hindi lang famous" "Ano?" "National Couple day bukas. Bigay mo sa kanya ha" Tiningnan ko yung chocolate at tinitigan. Di naman kami couple, wala rin akong lakas na manligaw. Ayan nanaman si Katorpe at nasabak ulit sa isip ko. Ibibigay ko ba talaga toh kay Raven? Mabigay na nga. Pero syempre si Kuya magbibigay nun hindi ako. Magtatago lang ako sa CR para makita yung ginagawa nila. Bali messenger ko sya ngayon Pagkatapos ng klase, pumunta agad kami ni kuya sa bahay As always pagkapasok nya sa bahay higa agad sya "Kuya bigay ni Julianna ohh. Twix" sabi ko at binigay sa kanya ang Twix. Agad naman syang tumayo at nagbasketball position pa at shinoot sa basurahan ang chocolate.  "Nice" Ani nito at humilata sa sofa. As always, lagi namang ganito ang nangyayari sa bahay. Sinasayang lang ni kuya yung bigay ni Julianna sa kanya "Anything else??" sabi ni Kuya "P-pwede mo ba ako tulungan bukas. Couples day daw" "Couples day? Di pa ba sapat yung valentines day sa kanya. Tsk" Si Juliana naman yung naisip nya. Para na kong tulay sa dalawang toh. Ako pa ata ang manggagawa para lang makatawid si Kuya ng maayos kay Juliana. "Sabi ko tulungan mo 'ako'!" Diniin ko pa yung salitang ako at tinuro ang sarili ko. "Pati si Juli agad ang naisip mo, may inaasahan ka ba?" "Inaasahan kong may itatapon ako sa harapan nya bukas, gusto mo ikaw audience" Napailinh ako dito. Wala bang konting awa si Kuya. Eh halos yung babaeng dinedate nya ngayon. Mukha namang hipon. Tapos si Juliana, medyo ayos na. "Playboy ka ah, bakit ayaw mo syang itarget" "I don't like her. At itong Couples Day. Mukhang may pagbibigyan ka ng chocolate" Nginitian ko sya at tinitigan na parang iisa lang ang iniisip namin. Like same feather flocks together na ba ang kambal. Alam na nga nya kung anong gusto kong ipaubaya at kung sino pa ito "Gusto mo bang ako ang magbigay ng chocolate sa Raven mo?" Agad naman akong tumango tango sa sinabi nito "No way bro, ikaw nalang. Patorpe ka pa sa babae" "NAHIHIYA KASI AKO KAYA TULUNGAN MO KO!!" "Kailangan manigaw?" tanong nya at bigla akong naubo. Di kasi toh makikinig hanggat di sinisigawan "Sinigawan kita para tumatak sa isip mo!" Tumalikod ako "Basta ikaw magbigay bukas. Im tired" sabi ko pa at pumasok nako sa kwarto ko "Bakit ako kinakabahan, di naman ako ang magbibigay ng chocolate" Ramdam ko sa puso ko ang kaba habang hawak ko ang dibdib ko. Ang aga naman nito. Di ako makakatulog ng maayos. Bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang loptap Sinearch ko kaagad kung paano magawa ng box at love letters para naman maeffortan. Agad akong kumuha ng papel at gunting at nagsimula na.  Ayan, tapos na. Mukhang maganda yung kinalabasan nito kasi pinagpuyatan. Humiga na ko sa kama para matulog pero ayaw ng sarili ko. Napabalikwas ako ng upo. So, ano nang gagawin ko? "Im boredd" Sabi ko sa sarili ko habang tumitingin sa magagawa. Bigla naman akong napasearch ng kung ano sa internet Things to do when your actually bored: One. Cut your hair I already do this the other day. Ang punta lang naman namin yung Barber shop kaya failed Two. Basagin mo ang plato nyo at glue han mo Baka masermonan ako buong gabi ni Kuya habang iniisa-isa kong gluehan ang platong yun. Skip Three. Stalk you crush Perfect. Tinype ko agad ang name nya at inistalk sya. Ang ganda nya talaga. To the eyes. To the nose. Balikat. Tuhod. Just kidding Nagi-stalk padin ako sa kanya nang may nalike akong sharedpost nya "s**t!" Agad ko namang tinanggal yung like. Napahawak ako sa noo. Makikita nya yun diba? Baka sabihin ini-stalk ko sya sa gabi. Maki-creepyhan ito. Aish. "JM!! Kakain na!!" Umaga na pala at mukhang hindi ako nakatulog kakaisip ng hanggang isang oras dshil sa nilike ko. Ang baliw mo kasi John Mark Mendoza. Next time, kapag mang-istalk ka ulit ay dadahan-dahanin mo na ang pagscroll "Oh, anyare sa mata mo" Kita ko ang bilog ng mata ni Kuya habang ako ay papikit-pikit "Magkamukha na kayo ni Clarence, tara na" Maglalakad na sana sya ng biglang tumigil ito "Fine, payag nako, ako na magbibigay ng chocolates kay Raven mo" Napamulat ng todo ang mata ko at masayang umakbay sa kanya at naglakad Sabi na eh. Kaya agad ko syang sinigawan para tumatak man lang sa isipan nya yung sinabi ko. Effective sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD