CHAPTER 13 NARATING na nila Georgina ang ospital, kong saan parehong na confined ang pamilya ng dalawang lalaking nagbalak na mang hold-up sa sinasakyan niyang bus kanina. Halos magkatabi lang din ng kwarto ang pamilya ng bawa't isa sa kanila. Nakwento na ng dalawa kay Georgina kong paano sila nagkakilala at napagkasunduan na mang hold-up nalang para nagkapera sila, dahil iyon lang umano ang paraan para mailigtas ang kanilang asawa at anak. Sinabi daw ng doctor pareho sa kanila na kailangan ng malaking halaga para magamot ng maayos ang mga ito, subalit dahil mahirap lamang sila at isang kahig isang tuka ay walang ibang naisip na paraan ,kong paano agad makahagilap ng malaking halaga na kailangan sa ospital. Si Arthur na May pasyenteng anak, 3 months nang nasa ospital dahil sa sakit ni

