Masayang-masaya si Georgina ng araw na iyon, halos buong maghapon silang namasyal ni Bryan sa ibat-ibang pasyalan sa London. ang dami nilang naipong picture para gawing memories. Hapon na nang mga sandaling iyon kaya nagpasya na lamang silang kumain sa restaurant bago sila umuwi. Dahil sigurado silang pagod na pagod na sila kapag nakarating sa bahay. Bukas naman ay balak nilang mag beach ng sa ganun ay masulit nila ang natitirang araw na magkasama dito sa London. Hindi kasi alam ni Georgina kong gaano sila katagal na magsama sa Pinas kapag umuwi na sila. Hindi niya pa sinasabi sa mga magulang ang tungkol sa kanila ni Bryan mas lalong wala pa iyon sa isip nya. Balak niya munang itago ang tungkol sa kanila ni Bryan maging sa baby niya, ayaw nitong biglaan ang mga magulang. At isa pa baka ma

