CHAPTER 10 NAKARATING din sa wakas si Georgina sa bahay ng kanyang Amo. Magpapaalam lang siya na uuwi na ito sa kanila at babalik nalang bukas ng umaga. Hindi sana siya payagan ni ginoong Bryle subalit nagpupumilit si Georgina na uuwi talaga siya. Dahil iyon nga ang sabi niya sa mommy at daddy niya, uwian ang kanyang trabaho. Bago pa makalabas ng gate si George ay napansin nito na tila wala ang kotse sa garahe na ginamit nila kanina ni Bryan pauwi. Bumalik siya ay nagtanong sa amo niya. "Sir Bryle, saan po si Bryan? Hindi po ba nakauwi dito?" Takang tanong ni Georgina "As usual nasa barkada niya, nagtawag sa akin sinabi din niya sakin na bumaba ka daw kanina sa gitna ng byahe. Iniwan ka daw niya." Sagot nito "Hindi po ba May trabaho pa siya bukas? Bawal siya magpuyat". Ani Georgina

