Galit na galit si Georgina dahil sa pangalawang beses ay muli nanaman siyang hinalikan ni Bryan. Hindi din niya maintindihan ang sarili tila nagustohan din kasi ng katawan niya ang ginawang paghalik ni Bryan sa kanya. Sa banyo siya muling dumerecho, naghugas siya ng kamay at maging ang labi na hinalikan ni Bryan ay kanya ding hinugasan iyon. Naabutan din siya ng dalawang babaeng humarang sa kanya Nong nakaraang araw. "At nandito ang malandi". hindi alam ni Georgina kong siya ba ang pinariringan ng isa sa kanila. "Sinabi mo pa." segunda naman ng isa pa ginitnaan nila si Georgina at para bang sinasadyang banggain ito. tumigil saglit si Georgina at tiningnan sa salamin ang dalawa. Nakatitig din ang mga ito sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay "Anong pinakain mo kay sir Bryan at bakit l

