Chapter 8

1431 Words
CHAPTER 8 HALOS 30 minuto ng naghihintay si Georgina sa garahe. Pero hindi parin bumababa ang inaalagaan niyang damulag. Sa inis nito ay muli siyang pumasok sa loob ng bahay at inakyat ito sa kwarto nya. Nadatnan niya ang binata na nakahiga sa sarili nitong kama at nanunuod ng po*n vedios sa kanyang laptop. "Kaya pala hindi Kana nakaligo dahil diyan. Ang lakas ng loob mong manuod niyan e maliit naman 'yang sayo". Pang Aalaska ni Georgina dito "Wag mo akong ginaganyan babae ka, baka di ako makapag pigil at maturok ko sayo tong alaga ko, or baka gusto mo talagang tikman to". Ani Bryan na May ngisi sa kanyang mga labi "Excuse me lang ha, sa liit niyan baka di mo kakayanin". Nakangising wika rin ni Georgina dito Lumapit sa kanya si Bryan habang nakatingin ng seryoso sa kanya. "Tell me kong pinagpapantasyahan mo ako pagbibigyan kita. Yun lang pala gusto mo e, " anito na nilapit pa ang mukha kay Georgina Di inaasahan ni Bryan ang ginawa ni Georgina sa kanya, dahil bigla na lamang siyang snapok sa nuo . "Kong ako sa'yo maligo Kana at aalis pa tayo para sumunod sa daddy mo, with in 10 minutes kapag wala kapa sa baba matitikman mo ulit kong paano ako magalit". Seryosong saad ni Georgina Nakangisi naman si Bryan ng makaalis na sa harapan niya ang dalaga. "Alam ko na ngayon ang kahinaan mo babae, mukhang gusto niya ako. gagamitin ko ang feelings mo para sakin para mabilis kitang maalis sa pamamahay namin." Bulong ni Bryan sa kanyang sarili. Muling bumaba si Georgina sa garahe at naghintay sa sa damuho nitong boss. Pakiramdam ni Georgina kanina ay aatakihin siya sa puso. Kahit sabihin niyang na turnoff siya noon sa binata sa una nilang pagkikita sa mall hindi parin maalis sa pakiramdam niya na sa binatang si Bryan lang unang tumibok ang puso niya. At pakiramdam niya noon ay na love at first sight sya dito. Pero agad din napawi kong paano siya alaskahin ng binata. Di niya mapigil ang t***k ng kanyang puso ng mga sandaling iyon, kaya iniba na lamang niya ang usapan kanina. Gusto na sana niya talagang upakan pero nag pigil siya dahil ayaw paawat ng puso nya . Bago mag 10 minutes ay nakababa na si Bryan, gwapong gwapo ito sa kanyang suot na Suits. Bagay na bagay dito at pang business na ang datingan hindi naawat ni Georgina ang kanyang sarili at napatitig sya ng matagal dito. "Oh ano? Ngayon ka lang ba nakakita ng pogi nasa harapan mo na?" Taas nuong sambit ni Bryan na tila nagyayabang sa kausap Agad binawi ni Georgina ang tingin dito at iniba ang usapan. "Bat ganyan ang suot mo? Hindi bagay masyado kang mataba tingnan sa suot mo". Ani Georgina kahit hindi naman talaga. Wala na kasi siyang maisip na ibang paraan para lang makalusot. Nilabas na ni Georgina ang kotse, nagulat pa si Bryan dahil ito pala ang magsisilbi niyang driver ang akala niya bantayan lang ang bawat kilos niya. Ine-expect ni Bryan na siya ang mag drive. Napaisip tuloy siya kong anong klaseng babae kaya ngayon ang kasama niya. Isang beauty products at men's wear ang bussines na hawak nila pamana pa daw ito ng daddy ni ginoong Bryle. GEORGINA POV: Lumabas na sa kotse si Bryan at pumasok sa loob ako naman ay lumabas Nadin para dumerecho din papasok. Kailangan kasi kapag nasaan sya ay nandon din ako. Kinuha ko ang susi ng kotse at sumunod sa kanya. Nakikita ko ang kababaihan sa paligid halatang crush na crush nila ang bagong dating walang iba kundi si Bryan. Gwapo naman kasi talaga ang binata hindi ko iyon maipagkaila, dahil kahit ako ay tinamaan sa una naming pagkikita. "Pati ba naman dito sa loob sasamahan mo ako?" Tila naiinis na tanong sa kanya ni Bryan "Syempre dahil iyon ang trabaho ko. Baka kasi mamaya tatakas ka eh". Nakangiting sagot ko "Baka pati sa banyo susunod ka?" Ani Bryan "Oo pero sa labas lang". Sagot ko muli dito "Argh kainis naman oh! Pwede ba lumayo-layo ka sakin ng kaunti? Baka ano isipin ng iba diyan May babae akong alalay baka pag-isipan pa akong bakla ". Aniya Malalaki ang hakbang na ginawa ni Bryan at ganun din ako, baka kasi bigla nalang itong tatakbo palabas. Nagaantay nalang ako sa labas ng makita ko itong nakapasok na at nakaupo na sa sarili nitong desk. Palinga-linga ako at hinanap si ginoong Bryle pero hindi ko ito nakita. Bumaba ako sa lobby para mahahanap ng makakain, tenext ko muna si ginoong Bryle para alam nitong nasa lobby lang ako. Nakaramdam na kasi ako ng gutom Habang pababa ako ay May lumapit sakin na dalawang babae. Masama ang timpla ng mga mukha ng dalawa at tila galit sa akin. "Hoy ikaw bago ka dito? Bakit mo kasama si Bryan?" Tanong ng isa. "Oo nga sino kaba at bakit kinausap Kadin nya?" Segunda naman ng isa. "Boss ko siya, at driver niya ako". Pag amin ko sa dalawa "Hindi kami naniniwala, ginagawa mo lang yan dahil May gusto ka sa crush namin. Tatandaan mo 'to ha. Wag ka'ng dikit na dikit sa kanya dahil babantayan ka namin sa lahat ng oras." Anang isang babae na tila binabantaan ako "Bahala kayo, wala naman akong pakialaman sa damuhong 'yon. Ang sakin lang ay sagutan ako ng tama sa trabaho ko." Wika ko "Aba't tinawag mo siyang damuho ang lakas naman ng loob mo"! Galit na sigaw ng isa sakin. Mabuti nalang at oras ng trabaho ng mga sandaling iyon, at busy ang lahat. Pero itong dalawang 'to May oras pa para kausapin ako sa walang kwentang bagay "Pwede ba aalis na ako at wag na wag nyo din akong kausapin dahil hindi tayo close, mas maigi ña sigurong mag trabaho nalang kayo para May silbi kayo. Dahil kong hindi makakarating kay ginoong Bryle ang ginagawa niyong pagsasayang ng oras". Sambit ko dito Dahil sa sinabi ko ay mabilis na umalis ang dalawa sa aking harapan Napa tsk nalang ako dahil mas May oras pa sila para gulohin ako kesa sa trabaho nila. Habang papalabas ako ng Looby ay nakasalubong ko ang daddy ko kasama si Ginoong Bryle. Masayang nag-uusap ang mga ito Magtataka ako kong paano sila nagkakilala ni ginoong Bryle para kasing matagal na silang magkakilala base sa observation ko. Nakita kong papunta sila sa canteen, napilitan akong magtago at palihim silang susundan. Tama nga ang hinala ko dahil sa canteen nga sila pumunta. Umupo ako malapit sa kanila at umorder Nadin ng makakain ko, total nagugutom narin lang naman ako kaya dito nalang din ako kakain "Pare kamusta? Sana sinama mo na si Inaanak dito ng makita ko na ulit siya". Rinig ni Georgina sa kabilang table nagtatanong ang boss nya tungkol sa inaanak nito sa daddy nya. "Naku pare May trabaho na iyon ngayon eh. Baka mamayang gabi pa ang uwi sa bahay. Hayaan mo at kapag day off nya sasabihan kita ng sa ganon magkita na kayo ulit after 20 years." Sagot naman ng daddy nya "Ako ba ang tinutukoy ni daddy? At ninong ko si ginoong Bryle?" Takang tanong ni Georgina sa kanyang sarili "Sige pare at isama ko din ang anak ko para magkita na silang dalawa. Naku alam mo naman baka pwede ang mga anak nalang natin magkatuluyan, total babae sayo lalaki naman sakin. Baka sakaling mainlove anak ko sa dalaga mo". Ani ginoong Bryle "At ako nga ang tinutukoy. Wow small world akalain mo, ninong ko pala si ginoong Bryle. So dapat ninong itwag ko sa kanya? Ay hindi pwede dapat secreto to at hindi ko ipapaalam sa kanila na ako ang inaanak nya. "Hayaan natin ang mga bata kapag nagkita na sila saka natin yan malalaman. Nasaan pala ang anak mo gusto ko siyang makausap". Anang daddy niya Pero sasagot nalang sana si ginoong Bryle ng sumigaw ang daddy nito. "Ayun siya, anak halika muna dito". Tawag nya kay Bryan na ngayon nakatingin sakin. "Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap". Sambit nya sakin. Ako naman ay panay tanggi at tinutulak sya paalis sa akin. "Ano bang problema mo? May ipapagawa ako sa'yo bakit mo ako tinutulak?" Reklamo nito Hindi pa ako nakasagot ng lumapit na ang daddy nito. "Bryan anak halika ipapakilala kita sa Kumpare ko, inaanak ko ang anak non na si Georgina" . Anang daddy niya Bago pa nila ako makita ay mabilis na akong tumakbo palabas ng canteen. Baka mahuli pa ako ng wala sa oras di pa ako handa na malaman Nong damuho na un na inaanak ako ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD