Masakit ang ulo ni Georgina kinabukasan ng siya ay magising, nagulat pa siya kong bakit hindi familiar sa kanya ang kwartong kinahihigaan niya. Palinga-linga siya sa kanyang paligid at doon niya napansin na pang babae ang kwartong Hinigaran niya. bumangon siya sa kama at lumabas ng kwarto, bumaba siya sa kusina dahil May naaamoy siyang mabangong aroma. Pag baba niya ay nakita niya ang isang babaeng nakatalikod sa kanya habang nagluluto ito. Habang palapit siya ng palapit sa pwesto nito ay doon niya unti-unting nakilala ang pigura ng babae. "Oh! gising Kana pala! umupo Kana riyan at kakain na tayo ng almusal". wika ng kanyang bestfriend na si Angel "Hays naman, akala ko kong sino na, ikaw lang pala. Paano tayo nakauwi kagabi?" tanong ni Georgina sa kaibigan bahagyang natahimik ang be

